Naging masaya naman ang dinner namin kasama si Lily, nagpaalam na si lily na uuwi na daw sya dahil may pasok pa bukas.Nasa sala kami ngayon nila kuya si mama at papa naman ay nasa sakanilang office, may tinatapos silang trabaho.
Magiging busy sila mama dahil noong nakaraang linggo ay hindi sila nakapag trabaho dahil sa pag aalaga sa akin.
Kasalukuyan kaming nanonood ngayon.
"Scarlet dika pa ba inaantok? Bawal sayo ang magpuyat" Sabi ni kuya Nikko.
"Anong oras na ba?" Tanong ko habang kumakain ng popcorn.
"8:40 na, tsaka may pasok ka pa bukas diba?" Tanong nya kaya nilapag ko sa upuan ang kinakain ko at tumayo na.
" 'Kay byeee goodnight!" Sabi ko saka ko hinalikan sa pisngi si kuya Nikko at kuya Gio, napasimangot si kuya Gio sa ginawa ko kaya natawa ako.
"Goodnight" sabi ni kuya Nikko.
Ang Sungit talaga ni kuya Gio.
Umakyat nako sa kwarto ko.
Humiga nako sa Kama ko at natulog.
Zzzzzzzzz
---------
Kinaumagahan ay naduwal ako kaya tumakbo ako at pumunta sa banyo.
Naligo na rin ako.
Pag tapos Kong maligo ay nagbihis nako at bumaba para makapag almusal.
"Si mama at papa po umalis na po ba?" Tanong ko kay yaya Linda.
"Oo scarlet at bilin ng mama mo kumain ka daw ng madami" Sabi ni yaya Linda.
"Kayo po? Kumain na po ba kayo? Yaya Linda? Manang?" Tanong ko.
"Mamaya na kami kumain, Sige na" Sabi ni manang.
"Tapos na po ako, manang yaya Linda alis na po ako" Sabi ko sakanila.
"Sige mag ingat ka" Sabi ni manang.
Tumango na lang ako sakanilang dalawa at ngumiti.
Paglabas ko ay naabutan ko si Mang Mario na nakaabang sakin.
Sumakay na sya sa kotse kaya sumakay na rin ako.
Habang nagdadrive si Mang Mario ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
Hindi ko talaga inakala na magkakaroon ako ng kaibigan na gaya ni Lily.
"Nandito na tayo" Sabi ni Mang Mario.
"Sige po, ingat po kayo sa pagdadrive" pagkababa ko ay sinalubong agad ako ng yakap ni Lily.
"Namissss kitaaaaa! Goodmorning pala! Hehe" Sabi nya.
"Ang aga aga ang lakas ng boses mo" Sabi ko sakanya. Nag peace sign naman sya kaya natawa ako. Ang cute!
"Mood swing?" Natatawang sabi nya tinakpan ko naman agad ang bibig nya sa takot na baka may masabi pa sya.
Inalis naman nya yung kamay ko habang nakasimangot.
"Oh? Bakit?" Tanong ko habang tumatawa.
"Wala tara na ngaaaa" parang batang sabi nya.
"Teka saan tayo pupunta? Di naman tayo magkaklase ah?" Sabi ko sakanya kaya napahinto sya.
Napakamot ulo sya.
BINABASA MO ANG
Back In His Arms Again
RomanceSi Scarlet ay isa lang syang simpleng babae, pero nagbago ito simula nung lokohin sya ni Drake at ng kaibigan n'ya na si Anna. Paano kung nagbunga ang nangyari sakanila? Mapapatawad paba n'ya yung dalawang taong pinagkatiwalaan n'ya?