Chapter 37

1.3K 26 0
                                    



Nalaman na nila mama yung desisyon ni Drake, nung una umangal sila pero ng ipinaliwanag ni Drake na kaya niya ako gustong pakasalan dahil mahal niya ako kaya hindi na sila umangal pa.

Ilang araw na rin simula ng makasal kami ni Drake, minadali ni Drake yung kasal namin. Simpleng kasal lang sana yung gusto ko pero hindi siya pumayag kaya ayun enggrande yung naging kasal namin.

Nakatira kami sa bahay nila Drake, gustuhin man ni Drake na humiwalay ay hindi niya magawa nagrequest kasi sila tita Jane na sa bahay na lang nila kami tumira. Ang tahimik daw kasi ng mansyon nila, kaya pumayag na kami.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Drak-- I mean kwarto namin ni Drake. Nakahiwalay yung kwarto ni Ase samin.

Gabi na, natutulog na si Ase si Drake naman ay nasa CR naliligo. May CR kasi sa kwarto niya. Ba't ba ang tagal nun?!

Kumatok ako sa pintuan ng CR.

"Hindi kapa ba tapos diyan?!" Sigaw ko, baka kasi hindi niya marinig nakabukas kasi yung shower.

"Sabayan mona lang kasi ako!" Humalakhak siya. Napairap na lang ako.

"Ba't ba ang tagal mo?!" Bumukas yung pintuan kaya napaiwas ako ng tingin.

Pano ba naman ako hindi magiiwas ng tingin e topless kaya siya saka tuwalya lang yung saplot niya! OMG! Abs! Opppps!

Bad ka Scarlet!

Tinignan ko si Drake na nakangisi sakin kaya napakunot yung noo ko. Lumapit siya sakin kaya umatras ako.

"Wag ka ngang lumapit!" Sigaw ko sakanya.

"Why? Hindi naman ako nangangagat" natatawang sabi niya saka niya kinagat yung labi niya kaya napalunok ako.

"Wag ka nga! Magbabanlaw ako!" Sabi ko at tinulak siya dahil nakaharang siya sa dinadaanan ko tumawa lang siya kaya napairap ako.

Nang matapos ako ay lumabas ako at tanging tuwalya lang yung suot ko. Pumunta ako sa cabinet para kumuha ng damit ko.

Pupunta na sana ako sa banyo para magbihis ng magsalita si Drake.

"San ka pupunta? Ba't hindi kana lang dito magbihis?" Nakangising tanong niya kaya inirapan ko siya. Pang ilang irap kona ba ito?

Nag matapos akong magbihis ay lumabas nakong banyo at tumabi ako kay Drake. Si Drake naman ay nanonood ng TV tumalikod ako sakanya. Nagkumot ako saka ko ipinikit yung mga mata ko. Si Drake naman ay pinatay yung TV at yumakap sakin.

Nakapatay yung ilaw yung lamp lang yung nakabukas.

"Goodnight i love you" bulong niya kaya napangiti ako.

---KINABUKASAN---

Minulat ko yung mata ko at ang una kong nakita ay si Drake na mahimbing ang tulog habang nakayakap sakin yung isa naman ay ginawa kong unan yung mga binti niya ay nakadagan sakin. Gustuhin mo mang tumayo ay hindi ko magawa.

Tumunog yung cellphone ko na nasa gilid kaya kinuha ko, nahirapan pa ako sa pagkuha. Sinagot ko yung tawag.

"Hello?"

[Goodmorning! Nagising ba kita?] si Lily.

"Hindi naman, bakit? May problema ba?"

[May lakad kaba ngayon?] tanong niya.

"Oo e, bakit?" Inalis ko yung pagkakayakap sakin ni Drake pati yung binti niya na nakadagan sakin saka ako umupo.

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon