Chapter 16

1.2K 23 0
                                    



---FRIDAY---

Pagka gising ko ay ginawa kona ang morning routine ko.

Nagbihis ako ng light grey cropped sweatshier at black leggings, sinuot kona din yung sapatos kong Nike.

"Oh anak gising kana pala" sabi ni mama at pinasadahan nya ng tingin ang suot ko, hindi kasi sya sanay na nagsusuot ako ng ganito.

Binili namin ni Lily to nung nag mall kami.

"Opo atsaka ngayon kona po kukuhanin yung grade ko" Sabi ko at umupo na para kumain.

Uminom ako ng kape at nagsimulang kainin yung bacon na niluto ni manang.

"Samahan na kita" Sabi ni mama kaya natigilan ako sa pagsubo.

"Wala ka po bang gagawin?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala, si papa mo naman umalis" sagot nya habang kumakain din.

"Okay" yun na lang yung naisagot ko.

Nang natapos akong kumain ay pumunta muna ako sa sala at umupo para manuod ng TV, hinihintay ko si mama na matapos kumain wala akong magawa kaya pumunta na lang ako dito.

"Anak tara na" Sabi sakin ni mama kaya pinatay ko muna yung TV bago sumunod sakanya palabas.

"Mang Mario ako na magdadrive magpahinga kana lang dyan" Sabi ni mama. Kaya napangiti ako sa kabaitan nya.

Pumasok na kami sa kotse.

"Kamusta kana anak?" Tanong sakin ni mama at sinulyapan ako.

"I'm fine my, ikaw po?" Tanong ko.

Sinulyapan nya ulit ako ng isang beses habang may ngiti sa labi kaya napangiti na rin ako.

"Okay lang din naman ako, hindi kaba nai-stress sa school?" Tanong ni mama habang pinapark yung sasakyan.

"Hindi naman po" Sabi ko.

Tumango na lang si mama at nang maipark na ni mama yung sasakyan ay sabay na kaming lumabas.

------

Kasalukuyan kaming nagcecelebrate ngayon pagkatapos namin kunin yung mga grades namin.

Umuwi na si mama dahil tumawag daw si manang at may kliyente daw na naghihintay sakanya sa bahay, may office din kasi sila doon ni papa.

"Congrats sa ating lima!!" Sigaw naming lahat. Nandito kami ngayon sa restaurant nila Dexter.

Lima kami kasama namin si Janine Acel William kakambal sya ni Dexter.

Hindi mahirap pakisamahan si Janine dahil mabait sya, kaibigan na rin namin sya ni Lily.

Wine yung iniinom nila pero yung akin juice lang, alam na rin ni Janine yung sitwasyon ko, hindi naman sa gusto kong ipagkalat, mapagkakatiwalaan naman kasi sila.

Nakilala ko sya nung isang araw lang at naging close naman kaming tatlo.

"Mygod! Akala ko talaga hindi ako makaka graduate!" Sabi ni Lily.

"Sabi ko naman kasi sayo! Think positive lang!" Sabi ko.

"Yeah" Sabi ni Janine.

"Scarlet..." Sabi ni Lily habang umiiyak.

"Bat ka umiiyak?" Tanong ko.

"Diba sabi mo kapag grumaduate tayo pupunta ka ng Paris? Paano kung makahanap ka ng ibang kaibigan dun? Tapos makalimutan mo kami?" Madramang sabi ni Lily.

"Kaya nga" malungkot na sabi ni Janine.

"Ano ba kayo?! Pupunta ako dun para doon ako manganak hindi para maghanap ng kaibigan kaya pwede ba?! Wag nga kayong ganyan!" Natatawang sabi ko kahit na may luha sa mga mata ko na agad ko ding pinunasan.

"Mamimiss ka namin!" Sabay na sabi ni Lily at Janine. Natawa na lang yung dalawang lalaki sa kadramahan ng dalawang to.

"Ano ba?! Kung makapagsalita kayo parang mamamatay nako ah?!" Inis na sabi ko.

"Sorry, hindi lang kasi namin napigilan" Sabi ni Janine tumayo naman ako at hinila sila patayo para mayakap ko sila ng mahigpit.

Hinigpitan pa nila yung yakap namin kaya natawa ako,

"Basta ninang kami ah?" Tanong ni Janine.

"Oo naman!" Sabi ko habang nakangiti.

-------

Nandito nako ngayon sa kwarto ko at nagpapahinga.

Nakakapagod grabe.

Ang bilis ng panahon tatlong buwan na pala akong buntis.

Next month na yung graduation namin.

Kamusta na kaya si Drake? Habang tumatagal napapansin kong nagkakalapit lalo silang dalawa ni Anna.

Minsan naman ay naaabutan kong nakatingin sakin si Drake.

At dahil nga pagod ako ay mabilis akong nakatulog.






++Don't forget to vote, comment and share thankyou!❤️++

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon