Chapter 5

1.3K 17 0
                                    





Pagkauwi ko sa amin ay nagmukmok na lang ako sa kwarto ko.

Patuloy parin sa pagbuhos yung mga luha ko. Hindi ko matanggap na sinayang n'ya yung apat na taong pagsasama namin.

Pumunta ako sa loob ng CR para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot nako ng leggings at spaghetti strap shirt.

Lumabas nako sa kwarto ko at dumiretso ako sa sala.

Wala pa pala sila mama.

Tinignan ko kung anong oras na.

6:30 na pala ang bilis naman ng oras. Saktong pagsindi ng TV ay ang pagdating nila papa.

"Papa!" Sigaw ko atsaka ko s'ya niyakap.

"Oh? Anak? Bakit?" Tanong ni papa atsaka niyakap ako pabalik.

"Uhm pwede pong sa ibang bansa kona lang ipagpatuloy yung pag aaral ko?kung okay lang naman po sainyo ni mama" sabi ko sabay tingin kay mama.

Nagkatinginan silang dalawa.

"Sige, kailan mo gustong umalis?" Tanong ni papa.

"Next week po sana" sabi ko.

"Sige" sabi ni papa.

Nagpasalamat ako dahil hindi na sila nagtanong sa desisyon ko.

Pagkatapos kong sabihin sa kanila ang desisyon ko ay umupo nako sa sala sila mama naman ay nagbihis na.

Pagkatapos magbihis ni mama ay umupo naman s'ya sa tabi ko.

"Anak kung ano man ang makakapagpasaya sayo nandito lang kaming dalawa ng papa mo at ng dalawa mong kuya para suportahan ka okay?" Sabi sakin ni mama saka ako niyakap ng mahigpit.

Niyakap ko rin s'ya pabalik.

"Opo mama" sabi ko.

"Hindi parin talaga ako makapaniwala na malaki na yung Baby ko!" Sabi ni mama at umakto pa syang nagpupunas ng luha kahit wala naman kaya natawa ako.

"Ma kahit na malaki nako Baby mo parin ako okay?" Sabi ko saka ko s'ya hinalikan sa pisngi.

Magsasalita pa sana si mama ng bigla akong naduwal.

Pumunta ako sa banyo para sumuka.

Ackkkkkk

Ackkkkkk

Ackkkkkkk

"Anak?! A-anong nangyari?! Ayos ka lang?" Tanong ni papa ng makitang nagsusuka ako.

"Anak are you okay? May Masakit ba sayo? Tell me" Sabi ni mama na natataranta na.

Bumalik na lang ako sa sala at napaisip.

Hindi kaya???

Buntis ako???

Flashback:

Nagising na lang ako sa sobrang sakit ng katawan ko pati yung gitna ng hita ko.

Ang naaala ko lang ay nagiinuman kami kagabi kasama yung mga barkada ni Drake.

Umupo ako galing sa pagkakahiga ng biglang sumakit ang ulo ko.

Tinignan ko yung sarili ko at......

At....

At.....

Nakahubad ako habang katabi ko si Drake na nakahubad din.

"Love?" Sabi ko at niyugyog sya.

"Hmmm?" Sabi nya at bumangon para harapin ako.

"L-love m-may n-nangyari ba s-satin?" Tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.

"Love don't wo--" pinutol ko yung sasabihin nya.

"Love p-pano k-kung m-mabuntis ako?" Tanong ko sakanya.

Ngumiti naman sya.

"Edi maganda, pananagutan naman kita kaya wag ka ng mag alala okay?'" Sabi nya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.

Present

Tumingin ako kila mama habang tumutulo ang  luha ko.

"Ma alis lang po ako saglit" Sabi ko sakanilang dalawa.

"Anak magpahinga kana lang okay? Magpapatawag na lang kami ng Doctor" Sabi ni mama habang hinahagod ang likod ko.

"Ma wag napo, sandali lang naman po ako okay? Sige na po." Pagpupumilit ko.

Napabuntong hininga na lang silang dalawa.

"Sige papayagan ka namin pero sabihin mo muna kung saan ka pupunta" Sabi ni mama.

"May bibilhin lang po ako" Sabi ko.

"Sige Sige basta bilisan mo ha?pahatid kana kay mang Mario" Sabi ni mama kaya tumango na lang ako.

"Mang Mario pahatid si scarlet hintayin mona rin sya ah?" Sabi ni mama.

Lumakad nako palabas ng bahay at ng sumakay na si. Mang Mario sa sasakyan ay sumakay na rin ako.

"Saan po tayo?" Tanong niya.

"Sa hospital po" Sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Ano naman gagawin mo dun?" Tanong niya ulit.

"May bibisitahin lang po ako" pagsisinungaling ko. Ayaw ko man magsinungaling pero kailangan.

Hindi na nagsalita si Mang Mario.

Pero ano nga bang gagawin ko kapag nalaman kong buntis ako?

Sasabihin ko ba kay Drake?

Oo niloko nya ako pero hindi ko maitatanggi na may karapatan pa rin sya pero natatakot ako na baka kapag nakapanganak nako bigla n'yang kunin ang anak namin.

Teka nga? Hindi pa naman sigurado kaya wag muna akong magisip ng ganyan.

"Nandito na tayo" Sabi ni Mang Mario.

"Hintayin nyo na lang po ako dyan" Sabi ko sakanya at lumabas na ng sasakyan.

Nagtanong ako sa nurse kung saan pwedeng magpacheck up.








++Don't forget to vote, comment and share thankyou!❤️++

Back In His Arms AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon