"Jeongin! Jeongin! Jeongin!" paulit-ulit na sabi ko habang sinusundan siya. Walang katao-tao sa paligid kundi kami lang. Wala rin mga sasakyan na pakalat-kalat o dumadaan manlang. Kung meron man ay bilang lang yun pero karamihan sa mga oras na ito ay wala na.Napatingin ulit ako kay jeongin my labs. Sobrang gwapo niya talaga. Nakakahiya man aminin pero matagal ko na siyang liniligawan. Oo! Ako yong nanliligaw kahit na babae ako. Anong magagawa ko? Mahal ko eh!
"Jeongin! My labs!" pagtawag ko pa sakanya at doon ko na nga tuloyang nakuha ang atensyon niya. Inis niyang tinanggal ang headset na nakalagay sa tainga niya sabay harap sakin. Parang naging slowmotion lahat. Bumilis rin ang tibok ng puso ko. Parang kinikiliti rin ang buong katawan ko. Ganun ang epekto niya sakin.
"What do you need?" inis na tanong niya. Nakakunot ang noo niya tsaka halos magkadikit na ang mga kilay niya. Nginitian ko siya na tipong mahuhulog siya sakin. Pero ang loko wala paring nagbabago sa expression niya! Nakakainis talaga siya!
"Ikaw sana..." kinikilig na sagot ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. For sure sobrang pula ko na ngayon.
"Wanna die?"
"Jeongin naman eh!" singhal ko tsaka hahampasin ko na sana siya sa braso niya pero naalala kong hindi ko pala dapat gawin yun dahil baka mas lalo siyang mainis sakin.
"Dammit stop calling me by that name and will you get the hell out of my life? You're so fucking annoying bitch" napayuko ako sa sinabi niya. Sanay na ako sa mga masasakit na salita niya pero sobrang sakit parin sa pakiramdam ko.
And then he left. Palagi niya akong iniiwan pagkatapos kong matahimik sa mga sinasabi niya. May girlfriend siya. I'm sure naman na hindi niya mahal yun. I mean paano mong masasabi na mahal niya yong babae, kong pagkatapos nilang naghiwalay ng isa niyang jowa ay may kapalit na agad na iba. Bilang na mga araw nga lang itinatagal nila ng nagiging girlfriend niya. Tulad ko rin naman na kami yong naghahabol at si jeongin my labs naman ay pinapatulan. Ewan ko ba sakanya, ako na nga itong nanliligaw sakanya tapos ayaw niya pa akong tanggapin! Tapos yong ibang babae na nakasalubong niya lang tapos sinabi nilang type siya nun ay susunggaban na agad niya! Hihiwalayan niya yong naunang girlfriend niya tapos may ipapalit na. Ako nga halos tatlong buwan ng nanliligaw sakanya pero wala parin. Ayaw niya daw akong maging girlfriend. Ayaw daw niya sakin.
Like duh! Maganda naman ako! May mga naging jowa pa nga siya na mas maganda pa ako dun! Mabait rin naman ako! Abnormal lang talaga siya. Nakakainis siya pero lab na lab ko parin ang loko.
Huminga nalang ako ng malalim tsaka ipinagpatuloy na ang paglalakad ko. Hindi ko na ulit siya hinabol. Hmm mamaya nalang ulit hahahaha.
Pagkarating ko sa harap ng skwelahan namin ay napahinga ako ng malalim. Napatitig ako sa mga studyante na nakatayo sa gitna habang kaharap ang watawat. Oo nga pala lunes ngayon. Humakbang ako papasok sa gate pero napatigil ako nung harangan ako nung guard.
"ID" halos matampal ko ang noo ko nung maalala kong hindi ko pala nakuha yong id ko dahil sa pagmamadali ko kaninang nakita ko si jeongin my labs na dumaan na sa harap ng bahay namin.
"Ah wait lang po" sabi ko tsaka kunwaring binuksan yong bag ko at nagkunwaring hinanap yong id ko. May mga pumapasok na studyante kaya humakbang ako papunta sa gilid. Hinintay kong pumasok yong limang studyante na nagtatawanan na lumalakad na papasok tsaka nung nakatapat ko na sila ay agad na akong tumakbo papasok at nakihalo sa mga studyante. Narinig ko pang pinatigil ako nung guard pero wala na akong pakialam sakanya. Feeling naman niya! Akala mo naman may ari ng school ewww.
Napayuko ako tsaka napahawak sa tuhod ko. Sunod-sunod ang paghinga ko. Bwisit kasi yun! Napakaepal grabe! May test kami ngayon alangan naman na hindi ako pumasok! Tumayo na ako ng maayos pero halos mapatalon ako sa gulat nung makita ko si jeongin na nakatingin saakin. Nakapila siya sa section nila at siya ang pinakalikod. Hindi ko siya napansin kanina dahil sa pagtakbo ko. Katapat ko siya ngayon. Agad kong inilabas yong panyo ko at pinunasan ang mukha ko. Gosh baka maturn off siya sakin!
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...