Dumiretso muna ako sa condo ko para magpalit tsaka ako umuwi saamin. Doon daw kasi ang burol.
Kinabukasan na ako nakarating doon. Hindi pa man ako nakakatapak sa daan papasok sa gate nila ay parang gusto nang tumulo ng mga luha ko. Napaka-familiar nito.
"Rein thank you. Thank you for always there for me"
"Tsk akala mo ba iiyak ako? Hell no" saad niya tsaka bigla niyang inoff yong camera niya kaya hindi ko na siya makita sa screen ng cellphone ko. "Basta kaya mo yan. Malalagpasan mo din yan stacey. Tsaka if wala ako nandyan naman si jio"
"Anong pinagsasabi mo?"
"I mean always think na nandito lang ako para sayo. Baka lang kasi may time na maging busy ako at sakto naman na kailangan mo ng karamay"
"Tsk gusto mo lang ata ng pasalubong eh" nakangising tanong ko. Napatawa naman siya. "So anong gusto mo?"
"Gusto lang kitang makitang nakangiti. Pagdating mo dito dapat yang mga ngiti mong yan ang bubungad saakin hindi iyak"
"Oo na. Oo na rein"
"Sige na kailangan ko nang umalis eh"
"Okay bye bye rein. Ingat ka lagi"
"Ahh stacey..."
"Hmm? Ano yun?"
"Thank you"
"Saan?"
"Just"
"Baliw" natatawang sabi ko. Tumawa rin naman siya.
"And Im sorry" huling saad niya at nawala na yong linya.
Napapikit ako at pinunasan ang tumulong luha ko. Parang gusto kong mapaupo sa lupa. Bumalik ulit yong sakit. Paano ko siya nagawang kalimutan? Paano ko nagawang kalimutan yong naging bestfriend ko?
Huminga ako ng malalim tsaka pinunasan ang mga luha ko at tuloyan nang pumasok sa bahay nila. I remembered this house but I dont remember na nakapasok na ako dito.
May mga tao na sa loob at may mga sasakyan rin na naka-park sa labas ng bahay nila. Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ng yakap ni jeongin tsaka siya humikbi. Napatitig nalang ako dun sa kabaong nang mom niya at sa picture doon. Familiar. Maybe I met her before. Na baka pinakilala na ako ni mark sakanya noon.
Hinagod ko ang kanyang likod tsaka siya inakay paupo.
"Shh tahan na"
"Jeongin stop crying mas lalong malulungkot ang mommy mo"
"S-sana panaginip nalang to"
Ilang oras din akong nanatili sa tabi niya hanggang sa tuloyan a siyang nakatulog. Kumuha ang daddy niya ng unan tsaka yun inilagay sa dulo ng upuan at doon dahan-dahan na inihiga si jeongin. Tumayo naman na ako tsaka lumabas muna para magpahangin. Namamanhid na rin kasi ang likod ko kakaupo tsaka nakasandal rin kasi si jeongin sa balikat ko kanina.
"Mom" I said as she answer my call.
"Yes sweetheart? How are you?"
"Mom nandito ako satin. I mean sa bahay nila jeongin"
"What? Why? Who's with you?"
"Her mom died yesterday"
"What?! Anong nangyari? Ba't siya namatay?" gulat na tanong ni mommy. Narinig ko pa ang boses ni dad mukhang nagulat sa naging reaksyon ni mom.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
عاطفيةCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...