Chapter 52

22 3 0
                                    


Kakatapos ko lang mag-check ng vital sign nung mga pasyente and now nandito na ako ngayon sa pediatric ward para bisitahin si hein.

Saktong kakatapos lang siyang painomin ng gamot nung dumating ako.

"Oh your ate's here" joy said nung makita niya ako. Mabilis din naman akong lumapit kay hein tsaka siya niyakap. Nagpaalam din naman si joy dahil madami pa siyang gagawin.

"Ate" ngumiti ako kay hein tsaka umupo sa tabi niya.

"I miss you" I said tsaka mahinang pinisil yong pisngi niya. Napa-crossed arms naman siya.

"Abah masungit na ang baby ko?" taas kilay na tanong ko. Napa-pout naman siya tsaka niya inilahad yong kamay niya sa harapan ko.

"Lagot nakalimutan ko" saad ko tsaka nagkunwari pa akong napakapkap sa bulsa ng uniform ko.

"Tsk"

"Joke! Here" masayang sabi ko tsaka ibinigay sakanya yong maliit na glow in the dark na star. Isa lang yun. Nakita ko lang na may nagtitinda malapit sa fast food then I remembered hein na reregalohan ko pala siya para magkabati kami.

Napangiti siya nung makita niya yun. Pero imbes na maging masaya ako ay parang gusto kong maluha. He's smiling but behind that smile I can see that he's tired. Mas lalong gusto kong maiyak nung yinakap niya ako tsaka siya nagpasalamat. Ni wala na rin siyang buhok sa ulo. Sobrang payat na rin niya. He has  leukhemia. 50/50 yong posibilidad na gagaling siya. May chance na gumaling siya pero may posibilidad rin na babalik yang sakit niya. Palagi ko rin nakikita ang mga magulang niyang palihim na umiiyak. Gusto kong tanongin ang Panginoon kong bakit siya? Sobrang bata niya pa para maranasan ang mga bagay na to. Sobrang bata niya pa para masaktan ng ganito. Pero sino ba ako para questionin siya?

"Ate why star this time?" he asked tsaka napatitig sa star na binigay ko.

"Paglaki mo ibigay mo yan sa babaeng gusto mong pakasalan" I said pero napayuko lang siya tsaka niya ibinalik saakin yong maliit na star.

"Bakit baby?"

"I cant"

"Bakit naman?--"

"Im dying"

"Of course not baby! Mabubuhay ka pa. Nandito lang ako hanggang sa gumaling ka okay?" pinunasan ko ang tumulong luha galing sa mga mata niya. Ayokong umiyak sa harapan niya kaya pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"My papa said na hindi maiiwasan na paglaki ko may makikilala akong babae. Babaeng magbibigay ng kulay sa mundo ko. Babaeng magpapasaya saakin" napatigil siya sa pagsasalita. Para siyang si jio magsalita. Sa paraan rin ng pagsasalita niya ay akala mo hindi siya 7 yrs old. "Pero alam mo ang sinabi ko ate?"

"Ano?"

"Na iiwasan kong mangyari yun"

"Bakit naman? Ayaw mo ba siyang makilala?"

"Yes, Ayoko"

"Baby hindi mo pa alam ang mga pinagsasabi mo sa ngayon. Paglaki mo kapag nakilala mo na siya, kahit na anong pilit mong iwasan siya ay pagtatagpuin parin kayo ng tadhana"

"Hindi ate. Kasi kahit na pagtagpuin kami mas pipiliin ko paring tumakbo palayo"

"Baby-"

"Not because I want to, but because I need to ate. Ayokong mahalin niya ako kung iiwan ko din naman siya. Kasi sa huli siya din ang masasaktan and I dont want that to happen"

"Baby how did you know about things like that? You're still young to know what love is"

"Bata palang ako mahilig na akong kwentohan ni papa ng mga love story. And with that mas pipiliin kong tumakbo palayo than to chase the girl pero iiwan ko rin sa huli"

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon