Pagkatapos ng klase namin ay mabilis agad na nagpaalam si jihan saakin. Syempre pumayag nalang ako but to my surprise naabutan ko pa siya sa baba na busy sa pagkalikot sa cellphone niya. Naiinis ang kanyang mukha habang nagtitipa. Mabilis akong napaatras when she suddenly looked at my direction.Ilang segundo ang pinalipas ko bago ako sumilip ulit. Naglalakad na siya nun paalis kaya nagsimula na rin akong naglakad para sundan siya. May kinakausap na siya ngayon sa cellphone pero hindi ko naririnig. Napatitig ako sa likuran niya nung bigla siyang napatigil. Hindi agad nagproseso sa isipan ko na sinusundan ko pala siya nang palihim. Halos mapatalon ako sa gulat nung dahan-dahan siya ulit na tumingin sa direksyon ko. Mabilis ulit akong nagtago na muntik pa akong matalisod. Hindi ko masasabi kong nakita niya ba ako o hindi. Pinalipas ko ulit ang ilang segundo bago sumilip ulit pero this time wala na siya. Oh shoot.
Mabilis kong inilibot ang paningin ko pero hindi ko na siya makita. Nasan na siya? Nakita niya ba ako? Ughh. Napailing-iling nalang ako tsaka naglakad nalang pauwi. Sa susunod nalang siguro. Maybe this isnt the right time to know what really is her secret.
Magpapalit muna sana ako sa bahay then bibisitahin ko si jeongin sa bahay nila but I was surprised when I saw him sitting outside our house. Mabilis akong tumakbo papalapit sakanya. Napatingin siya sa direksyon ko tsaka siya ngumiti at sinalubong niya ako ng yakap.
Agad kong naramdaman ang mainit niyang katawan. Namumutla rin ang mukha niya at halatang masama ang pakiramdam niya.
"Bakit ka nandito? May sakit ka!" pagalit na sabi ko sakanya.
"Shh its fine. Im okay dont worry too much" mahinang sagot niya.
"Tsk sana nanatili ka nalang sa bahay niyo! Bibisitahin naman kita!"
"Babeeee Im already here"
"Fine! Halikana pasok muna tayo sa bahay" tumango naman siya. Napailing-iling nalang ako tsaka inakay na siya papasok sa bahay.
Sobrang awkward ng feeling kasi nandito si mama. Ipinagpaalam ko si jeongin na nandito siya. Ngumiti lang nang kaunti si mama tsaka bumalik na sa kwarto niya. Wala si papa dahil nasa trabaho ito.
Nahihiya na rin ako kay jeongin kasi parang wala lang kay mama na nadito siya. Simula nung ipinakilala ko siya kila mama at papa ay alam ko nang hindi nila gusto si jeongin para sakin. I don't know why.
"Pasensya ka na ha?"
"Its okay. I understand" sagot niya tsaka niya isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Napangiti ako ng kaunti.
"Kailan mo ko ipapakilala sa parents mo?" out of the blue na tanong ko. Hindi agad siya nakasagot.
Yes youre right. Hindi ko pa nami-meet ang parents niya. Gusto kong ipakilala niya ako sa mga magulang niya pero kahit kailan hindi niya inopen up ang tungkol dito. Pero kahit na ganun alam ko naman na mahal niya ako. Siguro naghihintay lang siya ng tamang panahon.
Biglang pumasok sa alaala ko si jio. Palagi niya akong tinatanong kong gusto ko bang makilala ang mga magulang niya but I always refused. Ayoko kasing ipakilala niya ko when in the first place ay walang kami. Gusto ko lang ipakilala ang sarili ko sa parents ng magiging boyfriend ko well except pag-friends lang talaga.
"My family is a mess" maya-maya pa ay mahinang sagot niya.
"What do you mean?"
"Babe lets not talk about it please"
"Okay Im sorry"
"Soon babe. Soon"
Wala na ulit nagsalita hanggang sa makatulog na siya sa balikat ko. This scene is really familiar to me. Im missing someone. Mabigat sa pakiramdam. Hanggang ngayon hinahabol parin ako ng konsensya ko. Jio I really miss you. Yes Im happy right now but everytime na naaalala kita parang sinasaksak ang puso ko. Hindi ko kasi alam kong masaya ka na. Kong okay ka na o ano. Paano kong hindi ka pa okay? Paano ako magiging masaya kong hindi ko alam kong masaya ka na rin ba?
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...