Chapter 22

18 4 0
                                    


Lumipas pa ang mga araw hanggang sa dumating ang graduation namin. Hindi ko alam kong dapat ba akong maging masaya dahil finally matatapos na ako sa pagiging highschool life ko o malulungkot dahil after a month or two ay aalis na ako dito at mag-aaral sa manila.

Kakatapos lang nang graduation namin. Lahat nagsisiyahan at nagpipicture na kasama ang mga magulang nila habang hawak ang diploma at mga medalya nila.

"Babe smile" napatingin ako kay jeongin nung magsalita siya. Hindi pa ako nakakangiti nang maayos nung makuhanan na niya ako ng picture kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Cute" inirapan ko lang siya sa sinabi niya. Maya-maya pa ay nagpaalam siya dahil may tumawag sakanya na classmate niya.

Nagpicture pa kami kasama ang mga magulang ko tsaka wala rin nagawa si jihan nung tawagin siya nila mama. Hindi alam nila mama na may hindi kami pagkakaunawaan ni jihan at mahigit isang buwan na kaming hindi nagpapansinan! I mean nagpapansinan naman pero hindi na yong tulad ng dati.

"Rein!" masayang pagtawag ko kay rein nung makita ko siyang naglalakad na parang may hinahanap. Napatingin naman siya saakin tsaka lumawak ang kanyang ngiti. Mabilis siyang lumapit sa pwesto namin tsaka ako niyakap at kinung-gradulate.

Ngumiti naman ako nung inilabas niya yong cellphone niya tsaka kami nagselfie.

"Im going to miss you" mahinang sabi niya pagkatapos naming magpicture. Mahina lang yong pagkakasabi niya kasi nandito si jihan at alam niyang mamaya ko pa balak sabihin sakanila na lilipat na ako ng school. Niyakap ko nalang siya tsaka ipinakilala sa mga magulang ko.

"Ma, pa si rein nga po pala kaibigan ko"

"Hello po tita, tito"

"Hi hija congrats"

"Thank you po" nakangiting saad ni rein. Napatingin siya kay jihan pero mabilis na nag-iwas ng tingin si jihan na para bang hindi niya nakita na nginitian siya ni rein.

"Stacey kailangan ko nang umalis baka hinahanap na ako nila mommy"

"Hindi ka ba sasama sa bahay? May kaunti kaming handaan" sabi ko naman sakanya.

"Nope sorry. May byahe pa kasi kami papuntang batangas mamaya. Hindi pa kasi ako nakakapag-impake" malungkot na aniya.

"Sige ingat. Congrats ulit" sabi ko nalang tsaka yinakap siya ulit.

Aalis na sana siya nung mapatigil siya dahil dumating si jeongin na hinihingal pa.

"Babe lets go?"

"Ahh rein si jeongin nga pala boyfriend ko" pakilala ko sakanya. Ngumiti naman si jeongin sakanya pero si rein ay parang naestatwa sa kinatatayoan niya.

"Boyfriend mo? S-siya yong boyfriend mo?" parang hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes" naka-ngiting sagot ko. Ngayon niya lang kasi nalaman na si jeongin ang boyfriend ko dahil ngayon lang naman sila nagkita in person.

"Hi" naka-ngiting bati nito kay rein. Napakurapkurap naman si rein na tila tinatanggal ang iniisip sa utak niya tsaka ngumiti nalang at mabilis na umalis. Napailing-iling nalang ako sa naging reaction niya.

Nagpicture pa kami ng ilang shots bago kami umuwi. Gabi na nung dumating si jeongin at jihan sa bahay dahil may mga sarili din silang bisita sa mga bahay nila at sariling handaan kaya gabi na nung magkatime sila na pumunta dito sa bahay.

May mga bisita parin ako sa loob. Humanap lang ako ng tamang oras bago ako tumakas papalabas at lapitan si jeongin na nakikipag-inoman sa mga kaklase ko at mga pinsan ko. Tinawag ko siya at pumunta kami sa may veranda ng bahay.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon