Chapter 28

20 3 0
                                    

Kinabukasan paulit-ulit kong kinontact si jeongin pero hindi niya sinasagot yong mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa condo. Mamayang hapon pa yong pasok ko. Kakatapos ko rin lang magreview kaya nakapag-online ako.

Inayos ko nalang yong mga nagamit ng mga damit ko tsaka inilagay sa basket. Magpapalaundry nalang ako ngayon. Naligo rin muna ako bago lumabas dala yong basket. Hindi naman ito ganung karami tsaka kabigat. Yong sakto lang. May laundry din sa harap which is pagmamay-ari din ng may ari nitong residence. Actually parang mall siya kasi malaki yun nga lang wala yong grocery dito. Oo may mga tinda silang pwedeng magrocery pero hindi yong pang grocery talaga. Basta yun na yun. Tapos may mga spa, salon, bilihan ng souvenir, gym, computer shop, bilihan ng damit at starbucks din dito.

Dumiretso na agad ako sa laundry. Pagkapasok ko ay medyo madaming tao sa loob. Ipinakilo ko rin yong basket ko tsaka may mga tinanong pa sila then okay na. Dahil puno pa yong mga machine ay kailangan ko munang maghintay ng mahigit isang oras kaya napagdesisyonan ko na babalik nalang ako mamaya.

Bumalik muna ako sa condo and nagreview ulit at makalipas ang 30 minutes ay tapos na ako. Kinuha ko yong laptop ko para manood ng movie. Thai movie yun.

Hindi ko alam kong ilang minuto akong nanonood nung biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti naman ako nung makitang si jeongin yun. Pinatay ko muna yong laptop ko tsaka tinignan ang oras. 10 minutes nalang bago mag 9:30. Isinoot ko yong earphones ko tsaka sinagot na yong tawag niya. Inayos ko na rin yong sarili ko dahil kailangan ko nang bumaba.

"Hi babe"

"Hi anong ginagawa mo?" I asked.

"Break time. Kakatapos lang namin magtest"

"Talaga? Kamusta naman test mo? Mahirap ba?" tanong ko pa tsaka ako uminom ng tubig.

"Hmm yeah I didn't review" natatawang sagot niya.

"At bakit hindi ka nagreview?"

"I was drunk last night babe"

"What?! Bakit ka naglasing? Tsk" gulat na tanong ko. Gulat pero gusto kong matawa dahil sakanya. Nung okay na lahat ay kinuha ko na yong susi ko tsaka lumabas na. Inilock ko yong pintoan tsaka humakbang na papunta sa elevator pero kusa akong napatigil sa paghakbang nung magproseso sa isipan ko na si jio yong kakalabas lang sa isang kwarto which is sa harapan lang ng nilabasan ko.

"Because Im with my friends?"

Dahan-dahan akong lumingon para masigurado kong siya ba talaga yun at tama nga ako. Hindi nagbago ang reaction niya. Tumingin siya sakin pero nag-iwas din ng tingin at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad hanggang sa malagpasan niya ako.

"Babe huwag ka nang magalit" saka lang nagising ang diwa ko nung magsalita ulit si jeongin. Shit. Ipinagpatuloy ko na yong paglalakad ko at saktong pasara na yong elevator nun pero dahil nakita ako ni jio ay binuksan niya ulit. Nakatulala lang ako sa harapan niya. Hindi ko alam kong sasabay ba ako o ano. Hanggang sa kusa nalang na humakbang yong mga paa ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na nung sumara na yong elevator.

"Babe"

"Fine basta huwag mo nang uulitin yun jeongin"

"Mark lets go" may narinig akong nagsalita. Babae. Kumunot ang noo ko. Hindi ko masyadong narinig yong boses dahil maingay sa paligid niya pero alam kong yan ang sinabi niya.

"Babe I need to go" sabi ni jeongin.

"Sino yun?"

"Groupmates" nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Okay bye. Ingat"

"Love you"

"I love you too" sagot ko tsaka pinatay na yong linya.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon