Chapter 23

17 3 0
                                    


Nandito ako ngayon sa Mall at kasalukoyang naglilibot na. Kakatapos ko lang kasi kumain kanina sa jollibee.

Actually bibili ako ngayon ng mga gamit ko kasi sa susunod na araw na ang pasokan namin. Nai-enroll na rin ako nila lola syempre may source siya. Siya na lahat ang nag-asikaso kaya ang gagawin ko nalang ay pumasok.

Ilan ba ang notebook ng college? Hmm bahala na nga. Siguro naman kasya na yong pito?

Seryoso kinakabahan akong pumasok o mag-college kasi nga halos bago na lahat para saakin tsaka nursing is not that easy course. Oo alam ko naman na walang madaling course. Lahat naman dadaan o makakaranas ng hirap before ginhawa pero meron din namang ginhawa muna bago hirap.

Ewan ko ba kong bakit gusto kong maging nurse eh wala namang nurse sa pamilya namin o sa mga kamag-anak at mga kadugo namin. I'm unique hahaha.

Si jihan kaya? Ano kayang kinuha niyang course? Ang sinasabi niya sakin noon ay gusto niyang mag-law. Gosh mas nakakatakot doon. Sana lang makayanan niya tsaka pati na rin ako. Please Lord. Amen.

Napapailing nalang ako sa sarili kong iniisip tsaka binayaran na yong mga pinamili ko. Nagpaikit-ikot pa ako ako sa Mall tsaka bumili ng damit tsaka nag-grocery din ako bago umuwi sa condo.

Bale tatlong building ito. Isa sa right side tsaka sa left side at yong isa ay paharap sa right at left side. Gets niyo? Sabi ko nga hindi hahaha. Basta parang U. Tapos sa gitna ay may malaking swimming pool. Sa tabi naman ng right building ay may court doon.

Pagkapasok ko sa lobby ay hindi na nila ako sinita kasi kilala naman na nila ako kaya deretso na agad ako sa elevator at pinindot ang 22. Oo sa floor 22 ako. Nakakatakot nga eh kasi paano kong magkasunog o lindol, kahit na may fire exit chu chu nakakatakot parin.

Nung makarating na ako sa condo nila lola ay binuksan ko na yong pinto gamit ang susi ko. Nangangalay na din kasi ang kamay ko dahil sa dami ng mga bitbit ko.

Inilapag ko yong mga supot ng grocery sa lamesa tsaka idineretso ko naman sa kwarto yong mga gamit ko pagkatapos ay lumabas ulit ako at inayos ang mga pinamili kong grocery. Inilagay ko sa maliit na ref yong mga itlog, hatdog, ham tsaka mga prutas at meron din akong biniling ice cream at milk, yakult, dutchmill at softdrinks. Sa cabinet ko naman nilagay yong mga noodles, mantika at kung ano-ano pa tsaka syempre hindi mawawala ang mga pang-snacks ko dito like popcorn, biscuit at madami pang ibat-ibang klase ng junkfoods. Syempre bumili din ako ng shampoo, conditioner, soap, mouth wash, face cleanser, tissue, alcohol at iba pa na pangkatawan. Actually may mga gamit na dito na panligo kaso bumili padin ako ng akin kasi hindi ako sanay sa ibang brand. Pagkatapos kong iayos lahat ay umupo muna ako sa sofa tsaka nanood ng tv.

Actually hindi naman gaanong kalakihan itong condo nila lola. Yong kwarto nila ay naging kwarto ko na since iisa lang naman yong kwarto dito sa condo nila. May mini sala din sila which is kong saan ako nakaupo ngayon. Sa kwarto naman ay may mini veranda kapag binuksan mo yong sliding door. Kapag gabi ay lumalabas ako at tumatambay sa veranda para tignan ang napakagandang view sa labas. Kita rin ang swimming pool sa baba at ang mga sunod-sunod na ilaw ng sasakyan kapag gabi. Kumbaga highway dito sa harap ng condo kaya kita ang mga sasakyan.

Hanggang sa lumipas pa ang araw at ngayon na yong pasokan namin. Maaga akong nagising. Pagising-gising ako kanina. Hindi ako nakatulog ng maayos. Ewan ko ba kong bakit, siguro excited akong pumasok? Pero kinakabahan talaga ako.

Nagluto na ako ng kakainin ko. Hatdog yong niluto ko. Yong mga basic lang na maluluto yong mga binili ko kasi nga hindi naman ako marunong magluto. Pagkatapos kong magluto ay mabilis na akong kumain at pagkatapos ay naligo na ako tsaka nagbihis.

Pantalon at white shirt itong suot ko tsaka yong sapatos ko ay vans. Hinayaan ko rin na nakalugay ang buhok ko. Naglagay rin ako ng kaunting kalorete sa mukha then Im done!

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon