Chapter 36

16 3 0
                                    


"Anak bakit hindi ka manlang nagsabi na uuwi ka para manlang nakapaghanda ako ng pagkain"

"Gusto ko lang kayong isurprise ma" sabi ko tsaka ko siya mas lalong niyakap. Pagkatapos ay si papa naman ang nilapitan ko at yinakap rin siya.

"Even jihan? You didnt tell her na uuwi ka?" papa asked. Ahh yeah hindi pa nila alam na matagal na kaming hindi nag-uusap ni jihan.

"I'd like to surprise her too pa. Pupunta ako bukas sa school"

"Sige anak. Magpahinga ka muna sa kwarto habang hinihintay na maluto yong pagkain, okay?"

"Sige po" sabi ko at dumiretso na sa kwarto ko. Wah I missed this place!

Mabilis akong lumundag pabagsak sa kama ko. Wala paring pinagkaiba noong umalis ako at ngayon. Maya-maya pa ay bumangon ulit ako tsaka naglakad papunta sa bintana. Tumingin ako sa labas. Kulay pula yong kalangitan. Magdidilim na. Nagsimula na rin na magsindi yong mga streetlights ganun din sa ilaw sa labas ng bahay namin. Nanlaki ang mga mata ko nung makita kong madami nang bulaklak sa daan palabas sa bahay. Dati kasi ay wala pa itong mga bulaklak pero ngayon ay ang dami na. Iba-iba pa ang kulay.

Mabilis kong inilibot ang paningin ko nung maramdaman kong parang may nakatingin sakin. And then I saw someones shadow. Tumalikod siya at naglakad paalis. I don't know who he is. May suot siyang cap and a leather jacket together with his pants. His figure looks familiar pero imposible kong siya yun. Anong gagawin niya naman dito? Hindi naman niya alam na umuwi ako. Napailing-iling ako sa sarili kong iniisip at isinara na yong bintana tsaka pumunta na sa kusina dahil tinawag na ako nila mama.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Umalis na rin sila mama nung magising ako dahil may trabaho pa sila. Pagkatapos kong kumain ay nagpalit na ako. Pupunta ako sa dating school ko which is sa pinapasokan nila jeongin at rein ngayon. I wanna surprise them.

Simple lang naman ang isinuot ko. White shirt tsaka pants tsaka yong converse na sapatos ko. Hinayaan ko rin na lumugay ang mahaba ko nang buhok. Gusto ko nang magpagupit pero tsaka nalang siguro. Naglagay rin ako ng lipbalm tsaka kaunting eye shadow then done! Kinuha ko rin yong shoulder bag ko  na nakasabit sa gilid at inilagay doon ang wallet tsaka cellphone ko. Isinuot ko rin yong cap ko kasi medyo mainit sa labas. Payong sana kaso wala akong mahanap kaya itong cap nalang.

Nung matapos na ako ay lumabas na ako sa bahay at naglakad na papunta sa school. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko. Nakakamiss dito! Huhuhu.

Sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung naglalakad pa ako dito para pumasok sa school. Parang kailan lang nung palagi kong hinihintay na dumaan si jeongin dito para lang makasabay ko siya.

Napatigil ako sa paglalakad nung madapo ang paningin ko sa waiting shed. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yun. Nung umulan ng napakalakas kasabay ng pagkidlat at kulog. Akala ko noon ay mamamatay na ako. Im so scared that day. Sobrang dilim. I never thought na pupuntahan ako ni jio. Na kahit sobrang lakas ng ulan ay wala siyang pakealam basta mapuntahan niya lang ako. Akala ko noon ay magsasawa rin siya saakin. Na gusto niya lang ako kasi maganda ako. Na hindi siya aabot ng isang taon sa panliligaw sakin kasi magsasawa rin siya. Na baka liniligiwan niya lang ako kasi ayaw niyang matanggap na hindi ko siya sinasagot.

Kumbaga siya na yong ideal man ko pero ewan ko ba kung bakit palaging si jeongin ang pinipili ko.

Napailing-iling nalang ako tsaka nagpatuloy na sa paglalakad. Nung makarating na ako sa school ay napatigil ako sa mismong harap ng gate. Gantong-ganto parin yong dati. Nabago lang yong kulay ng pinta kaya nagmukhang bago ulit. Ngini-ngitian ko nalang yong mga studyante na tumitingin at ngumiti saakin. Familiar ang mga mukha nila dahil nakikita ko na sila dati dito.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon