Chapter 24

13 3 0
                                    


"Hi" naka-ngiting sabi nito. Parang nagsitindigan lahat ng mga balahibo ko pagkarinig ko ng boses niya. Sobrang tagal ko nang hindi narinig ang boses niyang yan.

Tumangkad din siya. I mean matangkad na siya dati pa pero fuck mas lalo pa siyang tumangkad! Medyo nabuild na rin yong katawan niya. Kita ko rin ang nakakaakit niyang adams apple at ang panga niyang almost perfect. Mas pumuti rin siya at yong buhok niya ay tulad parin ng dati pero mas mahaba na ito dahil halos matakpan na ang mga mata niya. Shit para siyang koreano! Mas gwumapo. Oh my god siya ba talaga to? Jio?!

Nagsimula siyang humakbang papalapit saakin. Gusto kong umatras. Gusto kong tumakbo pero hindi ako makagalaw. Ang umingay na paligid kanina ay biglang naglaho. Pati nga mga kaklase ko parang naglaho nalang sila bigla. I was about to say a word but linagpasan niya ako.

"Surprise" rinig kong sabi niya. Bumalik ang mga studyante sa paningin ko pati na rin ang ingay sa paligid. Dahan-dahan akong humarap sa likuran para tignan siya.

Hindi ko akalain na yong eksenang yun ay makakapagpadurog sa puso ko. Sobrang sakit.

"Oh my gosh jio!" masaya at gulat na gulat na sabi ni lily tsaka mahigpit nilang yinakap ang isat-isa. Napayuko ako tsaka kinuha yong cellphone ko at lumabas nalang sa classroom namin. Pilit na inaalis sa isipan yong nangyari. Hindi ko inaasahan na ganito pala yong naging eksena ng pagkikita namin. I mean Im sure nakita niya ako but katulad ni lily ay parang hindi na niya ako kilala.

Dumiretso ako sa canteen para doon nalang tumambay tsaka nagugutom na rin ako. Pagkatapos kong makabili ng pagkain ay humanap na ako ng bakanteng upuan tsaka isinuot ko rin ang earphone ko. Naririnig kong nag-uusap yong mga studyante about kay jio. Hanggang dito ba naman? Gaano ba siya ka famous? Doon sa dati naming school famous siya tapos dito famous din? Ano siya? Artista?

Ilang minuto din akong nakaupo at kumakain nung tumawag si rein. Mabilis ko naman itong sinagot.

"Stacey I missed you!!" sobrang sayang sabi niya pagkasagot ko. Natawa naman ako.

"I missed you too. Kamusta ka na?" I asked.

"Mabuti naman. Medyo busy sa school buti nalang wala kaming pasok ngayon kasi malakas yong ulan"

"Talaga? Hindi umuulan ngayon dito pero kahapon oo pero mukhang uulan na naman mamaya kasi makulimlim sa labas" sabi ko habang nakatingin sa bintana ng canteen.

"Ikaw kamusta ka na?"

"Ayos naman ako dito. Ahh rein nakikita mo ba si jeongin dyan?"

Simula nung nandito na ako sa manila ay dumalang na rin ang oras namin sa isat-isa. May mga araw na itinetext niya ako o tinatawagan pero karamihan ay hindi siya nagpaparamdam. Ayokong maniwala sa iniisip ko dahil may tiwala ako sakanya. I know kakayanin namin to and our relation will grow more.

"Yes sometimes nakakasalubong ko siya sa corridor, why? Nag-away ba kayo?"

"No no. May mga araw kasi na hindi ko siya macontact"

"Stacey what if may iba na siya?" matagal bago siya nagtanong. Matagal din bago ako nakasagot.

"Hindi naman siguro. Sige na rein may almost time na may pasok pa ako. Bye!

"Ahh sige sige bye!"

Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos nung tawag. Kahit anong oras naman kaming pumasok ngayon okay lang, umiiwas lang kasi ako sa ganung topic. Ayoko. Natatakot ako.

Ipinagpatuloy ko nalang na kainin yong pagkain ko tsaka tumambay pa ng ilang minuto doon hanggang sa napagpasyahan ko nang bumalik sa classroom namin. Siguro naman wala na sila doon ngayon.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon