Chapter 26

15 3 0
                                    


Idinilat ko ang mga mata ko. Ramdam ko parin ang sama ng loob ko.

"Anak kamusta na pakiramdam mo?" ilang segundo akong napatitig kay mama. Tinignan ko ang paligid ko. Nandito na ko sa kwarto ko. Panaginip lang ba yong nangyari?

"Ma si jio?"

"Umalis na anak pagkatapos kang ihatid dito" napatango ako. Totoong nangyari yun. Hindi yun panaginip.

"Kamusta na pakiramdam mo anak? May masakit ba sayo?"

"Nahihilo lang po ako"

"Sige anak magpahinga ka na muna" sabi ni mama tsaka hinaplos-haplos ang buhok ko. Hindi na ulit ako nagsalita. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at pumasok ang isang alaala sa isipan ko.

"Chan wake up. Chan please" alam kong malakas ang pagkakasabi nito pero ang hina ng pandinig ko. Hindi ko rin masyadong maimulat ang mga mata ko pero nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya bago ako tuloyang nawalan ulit ng malay. 

Ikinuyom ko ang kamay ko dahil sa biglang pagkirot ng puso. That was the old jio pero bakit nung nagising na ko bigla nalang bumalik ang pagiging cold niya sakin? I missed the old jio. The jio who cares about me a lot. Yong magagalit kapag tumitigas ang ulo ko pero kapag ako na yong magalit ay mapapatigil siya at susundin nalang ang gusto ko. Yong jio na hindi ako magagawang tiisin. Yong jio na palaging nandyan. Yong dating jio.

Naramdaman ko ang pagtayo ni mama at ang paglabas nito sa kwarto ko. Iminulat ko ang mga mata ko at sakto ang pagtulo ng mga luha ko. Napatingin ako sa suot kong damit. This isn't mine. This is jio's shirt. Naaamoy ko ang amoy niya sa damit na to.

Paano? Paanong ito na yong suot ko? Bakit ngayon ko lang napansin? Paano niya ko napalitan? Shit.

Lumipas pa ang mga araw at tuloyan na akong gumaling. Hindi ko na rin ulit nakausap si jio since that day. Palagi ko silang nakikitang magkasama ni lily sa school. Gusto ko rin na tanongin sa lobby kong saan nagchecheck in yong mga tao kong anong room no. ni jio pero naisip ko kong ano pang silbi nito? Wala namang magbabago kong malaman ko.

From: Rein
Stacey kailan ka uuwi?

To: Rein
Hindi ko pa sure bakit?

From: Rein
Umuwi ka nalang please. May kailangan kang malaman :(

To: Rein
Ano yun?

From: Rein
Im sorry wala akong lakas ng loob na sabihin sayo. Pag-uwi mo nalang dito. Im sorry talaga

To: Rein
Rein please tell me what is it

Hindi na ulit ako nakatanggap ng sagot galing sa kanya. Sinubukan ko rin na tawagan siya pero hindi niya rin yun sinasagot

Kasalukoyan ngayon na nagaganap yong nutrition month namin. Nandito kami ngayon sa gym para manood ng jingle. Punong-puno itong gym dahil halos lahat ng studyante ay nandito para manood. Required kasi na manood kami kaya no choice. Kahit na puyat ako ay pinilit ko parin na imulat ang mga mata ko at binabalewala ang antok ko.

"Ang gwapo talaga ni jio noh? Ang swerte ni lily" pasimple akong napatingin sa dalawang babaeng nag-uusap sa harapan ko. Nakatalikod siya sakin habang nakaupo. Inilibot ko naman yong paningin ko para hanapin kong nasaan si jio at para makompirma kung si jio ba na kilala ko ang tinutukoy nila. Napatingin ako sa itinuro nung babae sa baba at tama nga ako kasi si jio yun habang nasa tabi niya si lily.

"Balita ko 3 months lang siya dito"

"Oo nga eh tapos aalis na ulit siya pero okay lang kasi dati rati nga 1 month lang siya dito pero ngayon naging 3months na"

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon