Chapter 4

22 6 0
                                    


"Jihan did you saw my pen?"

Nandito kami ngayon sa library. Wala na kasi kaming pasok kaya nagpapalipas kami dito ng oras since maaga pa naman.

"Nope but I have extra pen here, you want?" sagot niya. Tumango nalang ako. Gagawin ko kasi yong diary ko ngayon para wala na akong gagawin pa sa bahay mamaya.

Yong diary kasi namin chine-check ni sir every monday tsaka yun na rin daw ang requirements namin kapag may clearance na kami. Syempre kung ano-ano lang ang isninusulat ko sa diary ko hanggang sa matapos ako. Tapos na rin si jihan sa ginagawa niya nung matapos ako.

"So how's your date with jio?" nanlaki naman ang nga mata ko sa tanong ni jihan.

"What?! Date? Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ko. Mahina lang yong boses ko kasi nga baka mapagalitan kami eh nasa library pa naman kami.

"You know what, ngayon ko lang napagtanto mas bagay pala kayo ni jio" natatawang sabi niya. Mabilis kong inihampas yong notebook ko sakanya. Gaga talaga.

"Come on jihan you know I like someone else"

"I know but you're dating with someone else too. Someone that likes you" sabi niya pa.

"I didnt even considered it as a date. It was just naawa lang ako sakanya kahapon because I make him wait"

"Mas lalo mo lang siyang pinapaasa you know" sabi naman niya.

"Alam niya kong anong meron kami jihan. Don't worry. Nagkausap na kami tungkol dun"

"Why don't you try? Malay mo lang"

"Ayokong mas lalo siyang mapaasa pa jihan. He don't deserve me"

"Its your choice"

"Yeah lets go" sabi ko nalang tsaka kinuha na yong mga gamit ko. Tumayo narin naman na siya at lumabas na rin kasabay ko. Hanggang sa makauwi kami sa kani-kanila naming bahay.

Agad akong sumalampak sa kama ko tsaka bumuntong hininga. I'm so tired!

ZzzzZzZzzz

Gabi na nung matapos akong kumain. Ginigising na nila ako kanina pero sinabi kong mamaya nalang ako kumain dahil pagod pa ako kaya hinayaan naman nila ako. Pagkatapos kong maghalf bath ay naglagay ako ng face mask sa mukha ko tsaka sumandal sa headboard ng kama ko at inilagay sa lap ko yong laptop ko. Nag-online din ako at sunod-sunod na notification ang bumungad sa facebook account ko. Kumunot ang noo ko. Wala akong maalala na nagpost ako maliban sa post ko last tuesday pa. Yong sa condo ni jio.

Jio Yyianas mentioned you in a comment

Pagkabasa ko nun ay agad kong pinindot kung ano yun. Madami pa akong notification about sa comment comment at reply reply pero hindi ko na tinignan pa yun kasi siguradong-sigurado ako na lahat ng yun ay galing sa ipinag-mentionan sakin ni jio.

Ramp Fashion Model
S.Y. 2014-2015

Yan yong status ng Skwelahan namin. Madaming like at mga comments doon. Oo nga pala every year kasi may ramp fashion model na nagaganap. Every uear and section ang maglalaban-laban. Kasali kasi ako lastyear but I didn't make it. I mean I didnt get the title but its okay madami namang sumuporta saakin.

Pinindot ko yong comment section para makita ko kong sino yong mga isinuggest nila. Isa kasi sa pinakaaabangang event itong ramp fashion model kasi nga madaming gwapo at magaganda ang kasali.

Ria Solis:
Jio Yyianas for grade 10 Mirasol!! Jio! Jio! Jio!!!

Yan ang unang bumungad saakin. Tsaka ang daming reply doon. May mga iba't-ibang pangalan din silang iminention pero hindi ko na tinignan kong sino ang mga yun.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon