Chapter 55

24 3 0
                                    


3 months later...

"Stacey are you really sure na okay ka na? Mamaya may mangyari sayo!"

"Of course. Dont worry hospital to kaya no worries" she said tsaka ipinagpatuloy na ang pagsusulat.

"Hindi ba magagalit si mark sayo? Impossibleng hindi!"

"Uhm yes nagalit pero syempre ako parin yong masusunod. By the way is it true na he's been courting me for 8 years?" tanong ni stacey tsaka napacrossed arms.

"Yes! Alam mo bago ka maaksidente I think may balak ka nang sagotin siya" saad ni joy tsaka pilit na ngumiti. She's not that kind of friend na dahil may gusto na siya sa manliligaw ng friend niya ay aagawin na niya ito o susulotin. Mas pinipili niyang sakanyahin nalang ang nararamdaman niya para hindi siya makasakit.

Stacey have selective amnesia. Hindi niya maalala si jihan, rein at jio and some sa mga memories niya kay jeongin and also sa ibang tao and the day before the accident. Nanatili pa siya ng isang buwan sa hospital for her theraphys then nagpahinga siya for 1 month tsaka the other 1 month ay bumalik siya sa hospital para pag-aralan ulit ang mga bagay na nakalimutan niya sa trabaho niya. Naging mabilis lang sakanya yun kasi ilang lang naman ang nakalimutan niya tsaka naging flawless naman ang pagtrabaho niya kaya parang alam na niya ang ginagawa niya.

Then now tuloyan na siyang bumalik ulit sa hospital para magtrabaho. Kumbaga yong 1 month niya na pananatili dito ay naging training niya lang.

"Really?" saad ni stacey tsaka hindi niya mapigilang ngumiti. Tumango-tango naman si joy.

"Pero alam mo palagi kong nahuhuli yong doctor na nakatingin sakin pero mabilis din naman na nag-iiwas ng tingin kapag nakatingin na ko sakanya"

"Doctor who?"

"Yong bago. Yong crush ni linda" napatawa naman si joy dahilan upang kumunot ang noo ni stacey.

"Nagka-amnesia ka lang naging assumera ka na" natatawang saad nito.

"Seryoso kasi"

"Chine-check ka lang siguro kasi I once saw him nung hindi ka pa gumigising"

"What do you mean?"

"Sabi niya gigising ka daw kasi nandyan siya, that made me realized na siya yong doctor mo thats why he knows"

"Ahh kaya pala nandun din siya nung magising ako"

"Assume pa kasi, porket gwapo? May mark ka na uy"

"Pero alam mo may iba sakanya eh. Parang kilala ko siya pero at the same time parang iba yong nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Basta hindi ko maipaliwanag"

"Ahh yeah I remember tinanong ko siya if kilala ka niya then he answered--"

"Ayan na siya" napatigil sa pagsasalita si joy nung magsalita si stacey. Napatingin siya sa tinitignan nito at nandun na nga si jio na kakalabas lang galing sa ER.

"Doc" saad ni stacey sa kakadaan lang na si jio dahilan upang mapatigil ito at humarap kay stacey. Hindi ito nagsalita dahil hinihintay niya lang ang sasabibin ng dalaga.

Naglakad ang dalaga papalapit sakanya at napatigil nalang siya nung punasan nito ang pisngi niya na may bahid pang dugo. Napatigil rin ang dalaga tsaka napatitig sa lalaking nasa harapan niya na sobrang lapit. Hindi niya alam kong bakit ginawa niya yun. Basta namalayan nalang niya ang sarili niya na lumapit sa binata at pinunasan ang bahid ng dugo sa pisngi nito. Mabilis siyang lumayo dito nung napatikhim si joy.

"Sorry" saad niyo pero napatigil siya nung hawakan ni jio ang kanyang kamay at medyo iniangat ito.

"B-bakit?" she asked.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon