Chapter 9

18 4 0
                                    


"Jeongin sandali lang kasi!" singhal ko tsaka hinawakan siya sa siko niya. Inis siyang tumingin saakin at hinawi ang kamay ko na hawak siya.

"What?"

"Akala ko ba ayos na tayo?" tanong ko. Napatawa siya. Sarkastiko.

"Seriously bitch?" 

"Fuck jeongin naman eh! Ano lang yong nangyari satin kahapon?" singhal ko. Napatawa ulit siya tsaka napailing-iling. Hinawakan niya ako sa baba ko at iniangat yun ng kaunti. Nagtama ang mga paningin namin.

"Like this?" tanong niya tsaka niya hinalikan ang labi ko. Nabitin pa ko nung lumayo din siya after ilang segundo lang.

"Jeongin!" tawag ko pa pero iniwan na niya ako. Napapikit nalang ako sa inis at the same time kinilig. Fuck you jeongin.

Hindi ko nalang siya ulit hinabol hanggang sa makarating ako sa school. Dumiretso na ko sa classroom namin. Nandito na si jihan nung makarating ako. Tinaasan niya ko ng kilay tsaka pumangalumbaba.

"San ka galing kahapon?" bungad na tanong niya pagkaupo ko. Napangiti naman ako ng malawak tsaka sumandal sa upuan ko.

"Hmm I'm with my labs" sagot ko.

"And what about jio?" tanong pa nito nang nakakunot ang noo.

"What about him?"

"Oh come on stacey be sensitive please! Nasasaktan na yong tao tapos ganyan ka pa umasta"

"Eh anong gusto mong gawin ko? You know naman na si jeongin talaga ang gusto ko" sagot ko.

"Jeongin didn't know how to love. He didn't even know what love is. Sa tingin mo magugustohan ka niya? Eh magmahal nga di niya alam"

"He knows jihan--"

"He knows what? Make love-- oh I mean having sex with different girls in this school?" natahimik ako sa sinabi niya. Kumirot ang puso ko. Isa ako sa mga babaeng yun. Bumigay agad ako. Ni wala pang kami pero may nangyari na samin. What the fuck stacey ang landi mo kasi!

"Hinahayaan kita na habolin siya stacey pero ang ibigay ang virginity mo sakanya na hindi pa kayo kasal o official manlang Oh god kakalimutan talaga kita na bestfriend kita. Tandaan mo yan"

Mabuti nalang at dumating na yong prof namin kaya hindi na ulit nagsalita pa si jihan. Hindi na rin ako halos makapagfocus sa pakikinig sa prof namin dahil sa lalim ng iniisip ko.

I swear wala talaga akong balak na ibigay yong virginity ko kay jeongin kahapon but hindi ko alam kong bakit pumayag ako sa huli. Hindi ko yun pinagsisisihan pero mali parin yong ginawa ko. Ginawa namin. May nangyari na pero wala pang kami. Oh kung magiging kami ba. Its all my fault kasi pumayag ako. Nagpakatanga ako. Paano kong nabuntis niya ko? Hindi ko rin masasabi na kaya ko siyang layuan dahil kapag kaharap ko na siya ay nanlalambot na ako. Parang gusto kong ibigay sakanya lahat ng akin. Gusto ko siya lang ang nagmamay-ari sakin. Ganun ako kabaliw sakanya.

Tsaka lang nagising ang diwa ko nung marinig kong maghiyawan ang mga kaklase ko. Hindi ko rin namalayan na wala na pala yong teacher namin. Napatingin ako sa tinitignan nila. Kumunot ang noo ko nung makita ko si jio sa may pintoan. Malawak ang kanyang mga ngiti at may hawak din siyang tatlong rosas. Sininyasan niya ko na lapitan siya. Itinulak din ako ni jihan. Mas kinikilig pa kaysa sakin. Inirapan ko nalang siya tsaka tuloyang nang lumabas at hinarap si jio. Iniabot niya sakin yong tatlong rosas at tinanggap ko naman yun.

"Hi" sabi pa nito tsaka kinuha yong bag ko at siya na ang nagbuhat nun. Sininyasan rin ako ni jihan na sumama nalang ako kay jio.

"Uhm hi" awkward na sabi ko. Hindi ko nagugustohan itong nararamdaman ko. Nagi-guilty ako. Hindi ko maintindihan. Parang nagtataksil ako kahit na ang totoo naman ay wala talagang kami ni jeongin.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon