Chapter 11

17 4 0
                                    


"Jio are you sure wala kang pasok ngayon?"

"Yes tita"

"Baka naman umabsent ka lang dahil gusto mong alagaan si stacey"

"Well aalagaan ko parin po siya kahit may pasok ako tita. Sinwerte lang ngayon dahil wala akong pasok"

"Oh siya sige at may trabaho pa ako. Jio ha yong sinabi mo sakin" huling sabi ni mama bago tuloyang umalis. Nakahawak parin ako sa ulo ko na lumabas sa kinalalagyan ko. Mabilis akong nilapitan ni jio nung makita niya ako at inalalayan paupo sa sala. Kinapa niya pa ang noo ko tsaka napailing-iling.

"May lagnat ka" 

"I know" mahinang sagot ko. Masama parin ang pakiramdam ko. Kumikirot din ang ulo ko. Mabilis lang kasi akong magkasakit kaya kahit kunting ulan lang ay sobra na ang epekto nito sa katawan ko.

Halos sapakin ko siya dahil sa biglaan niyang pagkagat sa kamay ko.

"What the hell jio!"

"Is your punishment chan!" sabi niya.

"Punishment for what?!"

"For being sick! You're not allowed to get sick, understand?"

"Kahit na anong gawin ko magkakasakit talaga ako!"

"Edi iwasan mo ang dahilan ng pagkakasakit mo"

"Like?"

"Mark"

"Whatttt?!"

"Nothing. Go get sick so that I have reasons to take care of you" singhal niya tsaka tumayo at dumiretso sa kusina. Wth feel at home?

Pagbalik niya ay may dala na siyang towel tsaka maliit na planggana na may laman na tubig. Inilapit niya yong lamesa sa harapan namin at doon inilagay yong planggana. Sininyasan niya rin ako na humiga sa lap niya. Nung hindi ako gumalaw ay hinila niya ako pahiga kaya wala na akong nagawa. Inilagay niya sa noo ko yung isang towel na basa tsaka yung isa naman ay ipinupunas niya sa kamay, leeg at mukha ko.

"Gutom ka na?" maya-maya pa ay tanong niya. Umiling-iling ako.

"Nagluluto na si manang ng kakainin mo tsaka soup" sabi pa niya. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Tinatamad akong kumain"

"Papakainin kita" sagot niya. Napairap nalang ako tsaka pumikit na para matulog ulit. Naramdaman kong hinawakan niya yong kamay ko tsaka pinag-interwined yung mga daliri namin. Kahit na nakapikit ako ramdam na ramdam ko rin ang pagtitig niya saakin. Hindi ko alam kong assuming lang ako o ano basta alam kong nakatitig siya sakin kahit na nakapikit ako. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko gamit ang isang kamay niya. Masarap sa pakiramdam. Gumagaan ang pakiramdam ko sa ginagawa niya.

"I'm sorry for loving you chan" mahina ang pagkakasabi niya nito kaya hindi ko naintindihan ng mabuti.

***

"Chan"

"Chan kain ka na"

"Chan"

Nagising ako sa mahinang pagtapik ni jio sa pisngi ko. Inalalayan niya akong bumangon. Napahawak ulit ako sa ulo ko. Binigyan niya ako ng tubig tsaka niya hinilot-hilot ang ulo ko ng ilang sandali bago kinuha yong plato at iniharap saakin. Sinusubuan niya ako. Wala akong ganang kumain pero pinipilit niya ko.

Pagkatapos kung kumain ay pinainom niya ako ng tubig tsaka gamot. Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya tsaka niya ako inakbayan para alalayan. Hindi kasi ako pwedeng humiga agad dahil kakakain ko lang.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon