'I'll do what ever you want me to do chan. I'll never hurt you again. I'll do everything just please... please wake up baby. Please wake up'
Nagising si jio nung mapanaginipan niya ulit yun. That was the time na nag-aagaw buhay si stacey sa hospital. Then ilang minuto lang ay nagising na nga si stacey. Gumaan ang kanyang pakiramdam, nakahinga siya ng maluwag. Ngumiti siya pero patuloy parin ang pag-agos ng kanyang mga luha. Bago siya pumasok sa loob ay pinunasan niya ang kanyang mga luha kasi ayaw niyang makita siya ni stacey na umiiyak.
But kusa siyang napatigil nung makita niya ang pagkislap ng mga mata ng dalaga nung tawagin niya si mark. A smile form into her lips na para bang masaya siya kasi mark is there. Thats how she usually smile noong gustong-gusto niya pa si mark way back nung higschool. Habang ngumingiti siya sa lalaking yun ay parang bumalik yong sakit sa kanyang puso. Kasi that time si mark lang ang nagkakapagpangiti sa dalaga ng ganun while jio's there watching, hoping na sana siya ang makagawa nun. And now naulit na naman and that hurts him the most.
Napatingala si jio at pilit na huwag alalahanin ang bagay na yun. Inilabas niya ang singsing sa bulsa niya tsaka niya ito tinitigan. Napangiti siya ng mapait.
***
"Oh my gosh!!!"
"What the hell?! Totoo ba to?!"
"Shit!"
Inis na iniangat ni stacey ang kanyang ulo nung marinig niya ang mga hiyawan nila joy at linda. Nakatulog kasi siya dahil sa pagod tas magigising nalang siya dahil sa kaingayan ng dalawa.
Pero napatigil siya nung bumungad sakanya ang napakalaking boquet sa harapan niya tsaka dahan-dahan na naging malinaw sa paningin niya si jio dahilan upang mapatigil siya.
"Anong ginagawa mo?" kunot noong tanong ng dalaga. Ngumiti naman ang binata tsaka inilapag ang bulaklak sa lamesa kung saan nakayukong natutulog si stacey kanina.
"I already asked for your permission last night, remember?"
"I dont remember na pumayag ako"
"And I dont also remember na sinabi kong hindi na kita liligawan kahit na hindi ka pumayag" saad naman ni jio tsaka kinindatan ang dalaga.
"Do you know mark? Siya lang naman--"
"I don't care about him"
"Magiging boyfriend ko na siya"
"Okay lang magiging asawa naman kita"
"Linda nabingi ata ako!"
"Ako din! Tama ba yong narinig ko?!"
Mabilis naman na tumayo si stacey tsaka itinulak sila linda at joy palabas sa office ng doctor na head nila. Inilock niya yong pintoan tsaka tinitigan ulit si jio at sinamaan ito ng tingin.
"Anong problema mo?" kunot noong tanong ng dalaga.
"Wala"
"Then why are you doing this?"
"Because Im courting you"
"Hindi nga pwede!"
"At bakit hindi?"
"Doctor ka, nurse ako at nasa iisang hospital lang tayo! Hindi yun pwede alam mo yan" sagot ni stacey. Tinanggal naman ni jio ang stethoscope na nakasabit sa batok niya at ang lab gown na suot niya tsaka niya yun inilapag sa lamesa.
"Okay na?" he asked.
"Gago ka ba?"
"No"
"Pilosopo!"
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...