Naglalakad na ako patungo sa canteen para bumili ng makakain. Kakatapos lang ng klase ko.Pagkatapos kong bumili ay lumabas din naman ako atsaka tinignan ang cellphone ko baka may text na si jio pero ang huling text niya palang ay kanina pang- 7:30 eh 10 na. Ang sabi niya kaninang pagkatapos niya akong ihatid sa room ay sa library siya tatambay habang hinihintay ako. Nandun pa kaya siya? Bahala na nga.
Naglakad nalang ako patungo sa library. Bago ako pumasok sa loob ay inilagay ko muna yong mga binili ko na pagkain sa bag ko dahil bawal doon sa loob.
Hindi nga ako nagkamali na nandito siya. Nasa pinakadulo siya na mesa at natatakpan siya dun dahil sa book shelves. Lumapit ako sakanya at dahan-dahan na umupo sa tabi niya. Hindi niya ko napansin dahil mahimbing siyang natutulog. May suot din siyang reading glasses na nahuhulog na dahil nakatabingi yong mukha niya. Nabitawan na rin niya yong libro na binabasa siguro niya bago siya nakatulog kanina.
"Jio" I whispered. Hinawakan ko rin ang buhok niya at pinaikot-ikot yun sa daliri ko. Dahan-dahan siyang napamulat ng tingin. Sumilay ang ngiti sa labi niya.
"Chan you're here" napapaos ang kanyang boses. Tuloyang nahulog ang kanyang eyeglasses sa mesa.
"Uwi na tayo?" I asked. Kinuha niya yong isang kamay ko at yun ang ginawang unan niya.
"Five more minutes baby" napangiti ako. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, hindi rin masyadong mabigat ang ulo niyang nakaunan sa kamay naming dalawa.
"Jio ano bang ginawa mo ba't mukhang pagod na pagod ka?"
"Im just tired reading books" he murmured.
Maya-maya pa ay nagmulat na siya ng tingin at hinalikan ang kamay ko tsaka ako niyakap. Ang bango talaga niya. "I missed you" saad niya tsaka isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.
"Ahh right I forgot may pagkain pala ako dito"
"Hindi ka pa nagmeryenda?" tanong niya. Nananatili parin siyang nakasiksik sa leeg ko. Nakapikit siguro to.
"Hindi pa, ikaw?"
"Busog na ko"
"Anong kinain mo?"
"Kayakap na kita"
"Baliw" sabi ko tsaka lumayo na sakanya. Tumayo naman siya tsaka niya ako pinalipat sa dating inuupuan niya. Pasandal siyang umupo sa lamesa para matakpan ako. Inilabas ko naman yong binili kong chips tsaka dalawang chuckie.
Kinuha niya yong isa tsaka tinusok yun ng straw at ibinigay saakin. Ganun din ang ginawa niya sa isa na sakanya.
Yun lang ang ininom niya. Ewan ko ba kong busog ba talaga siya o gusto lang niyang subuhan ko siya.
"Oh" sabi ko tsaka isinubo sakanya yong isang chips. Napakagat naman siya sa labi niya para pigilan ang pagngiti niya pero di kalaonan ay ngumanga din naman siya.
"Tsk gusto din naman pala" pagpaparinig ko sakanya. Napangisi siya. Pabiro ko nalang siyang inirapan.
"Nagkita na ba kayo ni lily?" maya-maya pa ay tanong ko. Actually hindi ko pa nakikita si lily ngayong araw. Wala kasi siya kanina sa klase namin.
Napatingin siya sakin at pinanliitan niya ako ng mata. Malalim din ang kanyang titig.
"Chan-"
"Jio its okay"
"Chan please dont over think. Its not what you think" ibinaba niya ang hawak niyang chuckie tsaka niya hinawakan ang pisngi ko para mahuli ang paningin ko.
"Sorry hindi ko lang maiwasan"
"Chan hindi pa kami nagkita tsaka if magkita kami I can handle, dont worry. Trust me chan hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ng tiwala mo sakin. Trust me" he seriously said tsaka niya hinalikan ang noo ko. Sa sinabi niyang yun ay gumaan ang pakiramdam ko pero not totally. Naniniwala ako sayo jio. Naniniwala ako sa mga sinasabi mo pero natatakot lang ako sa mangyayari o sa anong kayang gawin ni lily sayo. "Baby..."
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...