"Don't look at me like that chan" sabi pa niya tsaka niya tinakpan ang mga mata ko gamit ang kamay niya."Bakit mo ko mahal?"
"I don't know. Basta nangyari nalang. Remember the first time we've met?" bigla ko naman naalala yong araw na parehas kaming naging taga-linis ng library. Nag-cutting kasi ako nun kaya ayon ako ang pinaglinis ni maam sa library. At ang nakakainis pa ay 1 week akong na-asign na maglinis doon. Isang cutting lang yong kasalanan ko pero ganun na ang napala ko. Wtf.
Then ayon nga habang naglilinis ako nun biglang pumasok si jio. Hindi ko pa siya nun kilala at masasabi kong first time ko din siyang makita. Kaming dalawa lang ang natira sa library kasi nga hapon na nun. Nagsiuwian na lahat.
Diretso siyang nag-ayos ng mga libro. Hindi manlang niya ako tinitignan. Tapos ayon kinulit-kulit ko siya. Kasi nga talkative akong tao tapos itong si jio hindi manlang nagsasalita kaya kinulit ko. Then ayon nakuha ko ang atensyon niya. Nakipag-usap din siya sakin pero yong bored na bored. Then ayon palagi kaming nagkikita basta tapos na yong klase para maglinis sa library. At habang tumatagal nakikipag-usap na siya ng maayos sakin then ayon isang araw nalang tinanong niya ako kung pwedeng manligaw.
"At first akala ko nagandahan lang ako sayo but then as day passed by palagi ka nalang pumapasok sa isipan ko. Palagi kitang hinahanap at palagi kitang na mi-miss kapag lumilipas ang mga oras na hindi kita nakikita. Weird I know, but its true" sabi niya pa.
"Paano kong gusto mo lang ako. You know iba ang gusto sa mahal"
"Yeah I like you but I know to myself like isn't enough to describe how I felt for you" seryosong saad niya tsaka tinanggal na niya ang pagkakatakip niya sa mata ko. Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa kusa din siyang nag-iwas ng tingin t tumingin nalang sa tv.
"Don't love me too much jio. The more you did the more you get hurt"
"I know but I already did"
"Masakit na ba?"
"Secret" sabi niya tsaka tumawa. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at tumagilid na ulit at nanood ng tv. Minamasahe na rin niya ulit yong ulo ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nakapikit na ko pero medyo gising ang diwa ko dahil naramdaman kong binuhat niya ako hanggang sa dahan-dahan niya akong ilapag sa malambot. Kung hindi ako nagkakamali ay sa kama niya. Naramdaman kong hinaplos-haplos niya ang buhok ko. Hanggang sa unti-unti na ulit akong nakatulog pero bago mangyari yun ay may narinig akong sinabi niya pero hindi masyadong malinaw. Hindi ko rin alam kong nananaginip ba ako o totoo.
"Masakit na. Sobra"
***
Alas sais na nung magising ako dahil nakita ko sa wall clock ni jio. Nanlaki rin ang mga mata ko nung makita ko sa side table yong mga stuff toys na regalo ko kay jio. Maayos itong nakalagay doon. Ang cute! Linalaro-laro ko pa ang mga ito bago ko naisipan na lumabas na.
"Jio..."
"Jio asan ka?"
Napatingin ako sa kusina nung sumilip siya galing doon. Mabilis akong lumapit sakanya tsaka sinamaan siya ng tingin nung makitang magsisimula na siyang magluto. Nakalabas na yong mga lulutoin niya.
"Ang sama mo! Kung hindi pa ko nagising edi hindi na kita mapapanood magluto!" singhal ko. Napa-ngiti naman siya.
"I'm sorry I don't want to wake you up. You seems tired chan"
"Kahit na. Ang sama mo talaga!" parang bata pa na sabi ko. Linapitan naman niya ako tsaka tinitigan na naman ng pailalim. Hinawakan niya yong kamay ko tsaka niya ko hinila papunta sa highchair. Binuhat niya rin ako paupo doon.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...