Chapter 45

14 2 0
                                    


Hindi ako mapakali dahil sa kadahilanang nag-uusap ang mga kaklase ko tungkol sa isang transferee daw. Pumapasok sa isipan ko ang sinabi ni rein na lumipat ng skwelahan si jeongin but she doesn't know where.

Sabi sabi ng mga kaklase ko ay gwapo daw yun tsaka matangkad at maputi. Deskripsyon palang nila ay si jeongin na ang pumapasok sa isipan ko though hindi lang naman siya yong lalaking maputi, matangkad at gwapo. Imposibleng siya yong tinutukoy nila pero maari ring posible. Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko at natatakot rin ako sa magiging reaksyon ni jio kapag si jeongin nga talaga.

Hanggang sa break time na namin. Wala pang text saakin si jio. Nagpaalam siya saakin kanina na kakausapin daw siya ni Principal. Hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. Nakakatakot isipin na mukhang tungkol na naman ito sa pag-alis niya.

Kung hindi ako nagkakamali ay isang linggo nalang ni jio dito sabi nung mga studyante pero ilang araw na ang lumipas. Natatakot na ako baka tsaka nalang aaminin ni jio na aalis na siya sa mismong araw na yun. Ayokong nabibigla ako. I want to know the truth now. I want to know when. But at the same time Im too afraid to asked. Im too afraid to know. Im too afraid to left again.

Parang bigla akong nabingi nung tumahimik yong mga studyante sa paligid. Nakaupo ako ngayon dito sa pinakadulong upuan na may lamesa at nakalagay na doon yong pagkain ko. Tulad nila ay napatingin rin ako sa tinitignan nila. Dahan-dahan na nagsialisan sa gitna ng daan yong mga studyante. Its not that natatakot sila. They're just curious kaya napatagilid sila at napatingin sa likuran nila.

Hanggang sa unti-unting naging malinaw saakin ang taong pinag-uusapan nila. Its him. Its really him. Wtf.

Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Parang gustong tumulo ng mga luha ko at the same time kumukulo ang dugo ko. I want to slap him. Napatingin ako sa katabi niya. Mas lalong nag-init ang ulo ko. Si lily. I wonder if nasan si jihan. Parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Bakit pa siya lumipat dito?! Ugh.

May lumapit kay lily na babae. She's like just a normal student. Parang may tinanong yong babae then ngumiti naman si lily at sumagot. Tahimik lang naman si jeongin sa gilid niya. Hindi ko narinig kung anong sinabi nung babae pero ilang segundo lang ang lumipas ay nalaman ko na kung ano yun.

"What?!"

"Stacey's boyfriend?!"

"But ano niya si jio?"

"Gosh ang gulo!"

Napatayo ako sa gulat. Anong pinagsasabi nila? Napatingin saakin sila jeongin at lily. Nag-iwas ako ng tingin nung magtama ang paningin namin ni jeongin. Sinamaan ko rin ng tingin si lily. Nagsimula silang maglalakad papalapit sa pwesto ko pero hindi pa man sila tuloyang nakakalapit saakin ay naglakad na ako paalis dun. Pero napatigil din naman ako nung mahawakan ni jeongin ang siko ko dahilan upang matigilan ako. I heard the gasps of the students around me. Parang tutok na tutok sila saamin which is literally true.

"Don't touch me!" singhal ko tsaka inis na binawi ang kamay ko. Narinig ko ang sarkastikong pagtawa ni lily sa gilid namin.

"Babe" nanlaki ang mga mata ko nung tawagin niya ako sa ganun. Swear gustong-gusto ko na siyang sampalin but Im not really in the mood. Ayoko rin na magmukha akong hindi pa nakamoved on dahil sa lalaking to. I dont want him around me. I dont want to see his face anymore.

"Ano ba?!--"

"Stop this drama stacey c'mon hindi niya yun sinasadya. He loves you okay?" napapikit nalang ako sa inis dahil sa pagsingit ni lily. Hindi ko rin nagugustohan ang mga pinagsasabi niya. Para niyang pinapalabas na ako pa yong immature dito. Na ako pa ang may kasalanan.

Unti-unti kong narinig ang mga negatibong reaksyon nung mga nasa malapit saamin. They called me bitch, malandi, manggagamit at kung ano-ano pa.

"Stop it lily" saad ni jeongin.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon