Three Months Later...
"Stacey-- ahh Linda can you check her vital sign muna? Magc-cr lang ako" saad ni joy sa isang nurse na kasama niya. Its been months mula nung naaksidente si stacey but joy still didn't accept it. Palagi niyang napagkakamalan si linda na si stacey kasi for years ay nakasama niya si stacey but now wala na. Hindi parin siya sanay na wala na si stacey na palagi niyang kasama dati.
Dumiretso siya sa Cr tsaka doon pinahid ang kanyang luha.
'Stop crying joy. Stop this drama' paulit-ulit niyang saad sa kanyang sarili pero hindi niya maiwasang hindi umiyak.
Ilang minuto lang siya doon hanggang sa lumabas din naman na siya kasi kailangan pa nilang makuhanan ng vs ang mga pasyente at sabihan ang iba na magpalaboratory. Every four hours kasi nila chinecheck ang vs ng mga pasyente. Hindi ito madali lalo na kapag nag-iisa ka kasi madami talaga yong mga pasyente sa ward.
2am na nung mag-out si joy. Sakto naman na kakalabas niya lang sa hospital nung may tumawag sakanya. It was mark.
"Hello?"
"Hello ma'am"
"Who's this?" kunot noong tanong ni joy kasi hindi yun ang boses ni mark.
"Waiter po--"
"Where's mark?" pagpuputol nito sa sasabihin nung lalaki.
"Lasing po. Send ko nalang po yong location nitong bar"
"Okay thanks" saad ni joy tsaka napabuga nalang ng hangin at pumara na nang taxi at sinabi yong sinend sakanyang location. Hindi na ito yong first time na sunduin niya si mark sa bar. Like her, hindi rin tanggap ni mark yong nangyari kay stacey. Halos gabi-gabi na nga itong naglalasing eh. Sakto kasing may trabaho ang kaibigan ni mark kaya minsan ay si joy ang sumusundo sakanya.
Nung makarating na siya doon sa bar ay mabilis na siyang pumasok sa loob. Iilan nalang ang tao sa loob. Mabilis siyang lumapit sa kumaway sakanyang waiter. Nakita naman niya si mark na nakahandusay sa couch. Wasted. Mabilis niya itong nilapitan tsaka ginising.
"S-stacey"
"Its me joy"
"Ohh hi joy. W-what are you d-doing here?" pilit na iminumulat ni mark ang kanyang mga mata pero mas lalo lang itong pumupungay dala ng kalasingan niya.
"Lasing ka na" saad ni joy kahit na halata naman talaga na lasing na ito. Pilit niya itong pinabangon tsaka iniakbay ang kamay ni mark sa kanyang balikat. Tinulongan naman siya nung waiter hanggang sa makalabas sila sa bar at makasakay sa taxi.
"H-hindi ako la-lasing. Waiter!"
"Shut up mark"
"W-why? I want to drink more"
"Mark please! Pagod ako please naman sana hindi na maulit to!" singhal ni joy tsaka napahilot pa ito sa kanyang ulo.
Nung makarating na sila sa condo ay nagpatulong siya sa driver na iakyat si mark papunta sa loob ng condo nito.
Dumiretso naman si mark sa banyo at doon nagsusu-suka. Nagbayad naman na si joy ng pamasahe tsaka umalis na rin yong driver.
"Matulog ka na" kalmadong saad ni joy pagkalabas ni mark sa banyo. Nilapitan naman siya ni mark na hindi na rin makalakad ng maayos. Muntik pa itong matumba pero mabuti nalang dahil nakahawak siya sa dingding.
"Ohh you're here" saad nito tsaka tinitigan si joy na nasa harapan niya.
"Magpahinga ka na, uuwi na ko"
"Bakit k-kaya ganun? K-kung kailan magiging okay na doon pa siya--"
"Sa tingin mo ba nagugustohan niya itong pinaggagawa mo ngayon? Mark naman please tigilan mo na yang paglalasing mo!" galit na sigaw sakanya ni joy.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...