Chapter 20

17 4 0
                                    


"Jihan sandali lang kasi! Ano bang tinatago mo sakin?" inis na pagpapatigil ko kay jihan.

"Napag-usapan na natin to stacey. Please stop asking!" inis rin na sabi niya. Kanina ko pa siya tinatanong simula nung may sinabi si reys. Hapon na at tapos na lahat ng klase namin pero hindi niya parin ako sinasagot. Nakakainis lang.

"Oh my god jihan just tell me the fucking truth!"

"Hindi nga pwede! Hindi pwede! Hindi pwede!" inis parin na sagot niya tsaka naglakad na ulit. Sinundan ko naman siya tsaka hinawakan siya sa siko para tumigil.

"Jihan ano ba?! Magkaibigan ba talaga tayo?! Alam na ng lahat! Alam na nila pero ako na kaibigan mo walang alam! Diba bestfriend tayo? Anong nangyari?! Unti-unti ka nang nag-iiba jihan!" halos umiyak na ko sa harapan niya para lang sabihin na niya sakin yong totoo.

"Im sorry" tanging sagot niya tsaka tinanggal na yong kamay kong nakahawak sa siko niya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.

"Si jio ba?" biglang tanong na lumabas sa bibig ko. Napatigil siya sa paglalakad pero nananatiling nakatalikod saakin pero hindi rin nagtagal ay nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Sa mga naging reaksyon niya mas lalo lang niyang pinatunayan na may kinalaman si jio sa sikretong tinatago niya. Mas lalong sumasakit ang puso ko. Parang hindi na kayang iproseso ng utak ko lahat ng nangyayari.

Wala sa sarili akong umuwi sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko tsaka pabagsak na humiga sa kama ko. Doon ko ulit naramdaman ang hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko. Masakit na may halong kalungkotan at kulang. Unti-unti ulit na namuo ang mga luha ko tsaka ito dahan-dahan na tumulo.

Mabuti pa noon may matatakbohan ako sa twing may problema o malungkot ako. Everytime na kailangan ko ng karamay palaging nasa tabi ko si jio. Ni hindi niya ipinaramdam na nag-iisa ako. Palagi niya akong pinapasaya. Kahit na may importante siyang mga lakad ay mas inuuna niya parin ako sa tuwing kailangan ko siya. Pero ngayon parang naglaho lahat. Ni hindi ko kayang buksan ang mga problema ko kay jeongin. Lalo na sa mama ko ngayon dahil hindi kami nagpapansinan. Si jihan nalang sana ang meron ako pero nawala pa.

Napa-tingin ako sa cellphone ko nung bigla itong tumunog. Its an unknown number. Pinahid ko ang luha ko tsaka sinagot yong tawag. Hinintay ko na may magsalita pero wala akong narinig.

"Hello? Who's this?" tanong ko pero walang nagsasalita sa kabilang linya hanggang sa siya rin mismo ang pumatay nung tawag. Maya-maya pa ay nakatanggap ulit ako ng text galing s unknown number. Doon ko lang napansin na ito yong number din noon na nagtetext saakin pero sobrang tagal na num.

Unknown number:
Do you have a problem?

Me:
Who r u?

Hindi ko alam kong bakit nireplayan ko pa siya. Mamaya stalker pala o ano.

Unknown number:
I'm a robot.

Reply niya sa naging tanong ko. Sobrang bilis niyang nagreply. Natawa naman ako sa naging sagot niya. Baliw ba to?

Me:
Seriously? Are you insane?

Unknown number:
No Im not. So do you have a problem?

Me:
Ewan ko sayo!

Unknown number:
You can talk to me.

Me:
Anong sasabihin ko? Na may problema ako? Tsk hindi mo din naman ako matutulongan

Unknown number:
Go on. I'll listen.

Me:
Sino ka ba? Kilala ba kita? Saan mo nakuha number ko?

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon