"Anak after you graduate, ililipat ka na namin ng skwelahan--"
"Ma! We already talk about it! Ayoko nga!" singhal ko. Heto na naman siya.
"Stacey makinig ka sakin! Ililipat ka namin whether you like or not"
"Ma!"
"Anak makinig ka nalang sa mama mo" singit ni papa. Seryoso narin ito.
"Tsk" tanging singhal ko tsaka umalis na sa bahay. Nakakainis kasi everytime na nandito si mama palagi kaming nag-aaway tungkol sa letcheng transfer transfer na yan. Nakakainis lang. Hindi dati nakikialam si papa kasi alam niyang ayoko talaga pero ngayon? Mukhang nasagad na siya.
"Hello?"
"Yes?" napangiti ako nung marinig ko ang boses niya. Kakagising niya lang. Kahit kailan talaga nako. Maya-maya pa ay narinig kong napamura siya. Napatawa ako.
"What time is it?"
"25 minutes before 7:45" natatawang sagot ko. Napamura ulit siya tsaka nakarinig ako ng ingay sa paligid niya. Tumayo na ata siya at nagmamadali.
"Babe hintayin mo ko--"
"Nah. Sa school nalang tayo magkita may gagawin pa kasi ako dun" pagsisinungaling ko. Sandali naman siyang natahimik pero pumayag din naman sa huli.
Gusto ko mang makasabay si jeongin papuntang school pero ayokong hintayin siya dito sa bahay kasi may tampohan kami ni mama. Naglakad nalang ako papuntang school since maaga pa naman. Tsaka palagi naman akong naglalakad papuntang skwela well except kong tinatamad, nagmamadali o umuulan.
Pagkarating ko sa school naabutan ko si jihan na nakatayo sa gate habang may kinakalikot sa hawak niyang cellphone.
"Jihan!" pagtawag ko. Mabilis naman siyang napatingin sakin tsaka ngumiti. Lumapit ako sakanya tsaka yinakap siya.
"Wala yata yong asungot-- este boyfriend mo" inirapan ko siya habang siya naman ay natatawa.
"Kakagising lang" napatango-tango naman siya sa naging sagot ko pero hindi parin nawawala yong nakakaloko niyang ngiti. Pinagtitripan talaga ako netong babaeng to!
"Jihan tsk"
"Baket?
"I hate you!"
"I love you too bebe" natatawang sagot niya.
"Tseh!"
Dumiretso na kami sa classroom namin habang patuloy parin siya sa pang-aasar saakin. Napapailing nalang ako tsaka iniirapan nalang siya sa kalokohan niya. Masyado siyang hyper today and I don't know why.
"Jihan wait" pareho kaming napatigil sa paglalakad nung may tumawag kay jihan. Actually nasa loob na kami ng classroom namin at papunta na sana kami sa upuan namin when someone called jihan.
"Why?"
"How's Cyp Restaurant?" my classmate asked. Taka akong napatingin kay jihan kitang-kita ko kong paano siya matigilan pero mabilis din namang naka-recover at ngumiti.
"W-what do you mean?"
"Nakita kita kagabi dun-"
"Really? I don't know that place tsaka hindi naman ako lumabas kagabi"
"Ohh I'm sorry namalikmata lang siguro ako pero-- nothing" sagot nalang nung classmate namin. Napatango-tango naman si jihan tsaka umupo na. Pilit naman niya akong nginitian. Pasimple ko siyang tinitignan pagkaupo ko at hindi na nga bumalik pa yong ngiti niya kanina. Sobrang lalim na nang iniisip niya pati na rin nung dumating yong prof namin ay napagalitan siya dahil hindi niya nasagot yong tanong nito.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...