Nung mapagod na ako sa kakalakad ay napagdesisyonan ko nang umuwi muna sa hotel para makapagpahinga tsaka para na rin ayosin yong mga gamit ko pauwi. Mamayang hapon na kasi kami uuwi. Hindi sana kami nila papayagan na lumabas ngayon at magpahinga nalang daw sana kami kaso kaming mga studyante ay nagpumilit. Like duh last day na kaya namin dito kaya dapat sulitin na namin itong araw na ito!"Oh maaari ka nang umalis papasok na ko" taas kilay na sabi ko kay jio. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Inirapan ko ulit siya tsaka binuksan na yong pintoan.
"And so?"
"Anong and so? Duh jio umalis ka na!"
"Just wanna make sure na hindi ka aalis" sagot niya tsaka diretsong pumasok sa room namin. Nanlaki ang mga mata ko tsaka sinundan rin siya papasok.
"What are you doing here?! Ugh jio room namin to" singhal ko. Hindi na niya ako sinagot imbes ay umupo siya sa sofa tsaka nag-crossed arms at pumikit. Napaiwas ako ng tingin gwapo kasi.
Napabuga nalang ako ng hangin tsaka naglakad na papunta sa kama ko at pabagsak na humiga.
Napatitig ako kay jio na nakapikit parin hanggang ngayon. Mukhang napagod rin sa kasusunod sakin at kakahintay na rin at the same time kasi sa sobrang tagal kong pumili.
Tumayo ako dala yong isang unan ko at ibinigay yun sakanya. Ayaw pa sana niya kaso pumayag rin sa huli dahil alam niyang hindi ako titigil hanggat hindi siya pumapayag.
Ilang ulit akong nagpaikot-ikot dahil hindi ako makatulog. Wala kasi yong unan na yakap ko dahil na kay jio. Tumayo nalang ako tsaka inayos na yong mga gamit ko. Mukhang naramdaman naman yun ni jio kaya napamulat siya.
"Oh fuck how did I forgot about this" mahinang sabi niya tsaka tumayo at ibinigay saakin yong unan ko.
"Magpahinga ka na muna" sabi niya tsaka bumalik ulit sa sofa tsaka humiga at ginawang unan ang kamay niya.
"I'm okay jio"
"Just get some rest" tinatamad na sabi niya. Wala naman na akong nagawa kundi sundin nalang ang gusto niya since gusto ko rin naman nang matulog. Agad kung naamoy ang mabangong amoy niya na dumikit na sa unan kahit ilang minuto lang naman niya yun nagamit.
Hindi ko alam kong ilang minuto o oras ang lumipas bago ako nagising. Gising na ako pero nakapikit parin ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko ang paligid. Walang maingay. Wala pa sila. Iminulat ko ang mga mata ko and there I saw jio sitting on the couch while reading a magazine. Ghad I missed this guy. Nag-iwas ako ng tingin tsaka pinunasan ang mata ko para pigilan ang nagtatangkang luha ko.
Maya-maya pa ay bumangon na ako kaya napatingin siya sakin. Hindi siya nagsalita. Ibinalik niya ang paningin sa binabasa niya. Itinuloy ko nalang yong pag-aayos ko ng gamit ko. Binilisan ko na kasi baka dumating pa yong mga ka-room ko nakakahiya kong makita nila si jio dito dahil baka kung ano pa ang isipin nila.
Pagkatapos kong maayos lahat ay lumabas na ako sa room namin at sinundan naman ako ni jio. Dumiretso ako sa baba sa tabi ng swimming pool tsaka pinanood yong nga nagswi-swimming. Umupo rin naman si jio sa tabi ko, medyo malayo sakin.
Napangiti ako ng mapait. We used to stay close together back then pero ngayon? Its like there is a fire between us na kapag maglapit kami ay may masusunog, may mapapaso o may masasaktan. Ang hirap, masakit sa pakiramdam. Nakakamiss yong dati as in. Yong gusto kong ibalik yong panahon na yun pero natatakot ako tsaka hindi na rin naman na pwede. Oo pwede pero siguradong may magbabago. Hindi na tulad ng dati. And that hurts me the most kasi hindi na pwede.
Grabe sobrang close namin noon tapos parang isang iglap lang ay nawala na lahat. Kung pwede nga lang noon ay palagi nalang akong nakadikit sakanya pero dahil gusto niya ako ay minsan iniiwasan ko siya. Ayoko siyang saktan but kahit bali-baliktarin man ang mundo ay nasaktan ko parin siya. Pinaasa ko parin siya. Kung hindi dahil sakin hindi sana siya nasaktan. Kung hindi dahil sakin hindi sana siya lumayo.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...