Chapter 39

13 2 0
                                    


Kinabukasan...

"Oo ate since nung umalis ka dito. Ang balita ay naghiwalay daw kayo kaya ka lumayo. Then nung pasokan na ay sila na. Madami ngang nagulat noon eh"

"So everyone knows?" tanong ko sa studyanteng hinarang ko para makausap. Tumango-tango siya. Fuck.

"Ahh sige thanks" sabi ko nalang tsaka tinalikuran na siya at sakto naman na nakasalubong ko si rein. Nanlaki ang mga mata niya tsaka mabilis niya akong nilapitan pero nilagpasan ko lang siya hanggang sa makalabas ako sa school nila. If everyone knows about jeongin and jihan that means alam din ni rein.

"Stacey wait!" blanko ko siyang hinarap. Humi-hingal pa siya at napahawak sa tapat ng puso niya.

"Kaibigan ba talaga kita?" tanong ko. Napatigil siya at mabilis na hinawakan ang kamay ko.

"Stacey Im sorry if I didn't tell you about them. Im just scared and I dont want you to get hurt. Gusto kong ikaw mismo ang makaalam kasi natatakot ako na makialam because the last time I got involved I lost someone"

"Kahit na rein! Dapat sinabi mo parin sakin! Hindi yong ganto na ginawa mo akong kaawa-awa sa isipan mo"

"Stacey its not like that. I tried. I tried to tell you the truth many times pero kapag nakikita kitang masaya habang ikwinekwento siya umuurong yong dila ko. Kasi nakikita ko ang ang sarili ko sayo before and I dont want you to feel the same heartbreak as mine kasi alam kong sobrang sakit. But my desicion was wrong. Sana sinabi ko nalang sayo noon kasi wala namang pinagbago, nasaktan ka pa rin. Im really really sorry stacey" umiiyak na sabi niya.

"Hindi mo ko masisisi kong bakit ako nagagalit sayo ngayon. Naiintindihan kita rein pero sana maintindihan mo rin ako ngayon" kalmadong saad ko tsaka ko siya tinalikuran at tuloyan ng umalis doon

I don't know where to go. I kept walking hanggang sa mapadpad ako sa tabi ng dagat. Ngayon ko lang makita ito. May bridge sa taas kung saan dumadaan ang mga sasakyan. Nagiging kulay orange na rin ang kalangitan dahil hapon na. Nakikita ko rin ang papalubog na araw sa likod ng bridge. Sobrang ganda ng view. Sobrang sarap din sa pakiramdam ang simoy ng hangin at ang tunog ng dagat na nakakapagpagaan ng pakiramdam.

Napatigil ako sa paglalakad nung may makita akong tao na nakaupo sa buhangin habang nakaharap siya sa dagat. May nakasuksok na earphones sa tainga niya. Nakapikit rin ang mga mata niya na animoy dinadamdam ang paghampas ng hangin sa katawan niya.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya kasabay ng pag-upo ko sa tabi niya ay ang pagtulo ng luha niya. Napabuntong-hininga siya. Paulit-ulit. Lumuhod ako sa harapan niya tsaka pinunasan ang tumutulong mga luha niya. Mabilis siyang napamulat ng tingin. Hindi niya inaakala na nandito ako ngayon sa harapan niya.

Mabilis niyang tinanggal ang earphones niya tsaka mabilis niya din na pinunasan ang tumulong luha niya tsaka siya ngumiti na parang wala lang nangyari.

Tumayo siya. "Tara na ihatid na kita" he said tsaka nauna nang naglakad. Tumayo rin ako tsaka ko hinawakan ang kamay niya para tumigil siya sa paglalakad.

"Jio anong problema mo? Bakit ganito ang pakikitungo mo?" I asked. Humarap siya sakin. Ngumiti siya pero ang ngiting yun ay parang wala lang. Na para bang ngumingiti siya kahit hindi naman dapat.

"Nothing. Im cool"

"Jio-"

"Ayos na kayo diba? So bakit nandito ka? Tara ihahatid kita sakanya" kumunot ang noo ko. Is he talking about me and jeongin? Hindi ko pa nakikita si jeongin ngayong araw. Kahapon ko pa siya huling nakita so paano niya nasabing okay na kami?

"Jio-"

"You dont need to explain chan. Nakita ko kayo kahapon hugging each other. Sino ba naman ako para sirain yun diba?" sarkastiko siyang tumawa pero ang mga mata niya ay namumuo na ng luha. Pasimple niya yong pinunasan.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon