Chapter 3

25 5 0
                                    


Malakas na tugtog, madaming taong nagsasayawan pati mga ilaw nakikisabay. Mabilis kong inilibot ang paningin ko para hanapin sila. Umakyat sila sa hagdan. Hindi ko alam kong gaano ako katagal sa baba kasi ang hirap dumaan madaming tao. May mga nag-alok pa sakin ng inomin at nag-imbita na sumayaw but I ignored them.

Umakyat din ako sa taas. Medyo madami rin yong tao dito. May mga couch sa paligid. Napaiwas ako ng tingin sa mga naghahalik doon. Saktong maglalakad na sana ako para hanapin sina jeongin pero kusa akong napatigil nung mapadako ang paningin ko sa isang couch na nasa gitna. That dress. Mabilis na pumatak ang isang luha ko habang pinapanood silang maghalikan na para  bang wala ng bukas. Hindi rin nakatakas saakin ang kamay ni jeongin na pumasok na sa loob ng dress nung babaeng kasama niya kanina. Tumalikod nalang ako tsaka bumaba na ulit at umuwi na sa bahay. Just wow.

Kinabukasan...

Hindi ako sumabay kay jeongin ngayon. Presko parin kasi sa utak ko yong nakita ko kagabi. Napaka-fuck boy! Bwisit siya!

Pagkatapos kong magreport ay lumabas na ako. Absent ngayon si jihan at hindi ko alam kung bakit. Wala naman siyang sinasabi saakin. Dumiretso ako sa canteen at bumili ng pagkain namin ni jeongin. Nandun na rin siya sa dating pwesto niya. Hindi ko siya kayang matiis. Baliw na talaga ako sakanya.

"Hi" bati ko tsaka umupo sa harapan niya. Inilapag ko rin yong pagkain sa lamesa tsaka ngumiti sakanya kahut hindi naman talaga siya nakatingin saakin.

Tumayo siya at kinuha yong mga gamit niya tsaka iniwan ako dito. Hindi nalang ako nag-abala na sundan siya at kinain nalang yong binili ko. I know for sure after a minute darating na rin si jio at siya na ang kakain sa dapat ay kay jeongin. But I was wrong. Walang dumating na jio. Hanggang sa natapos ang klase ko ay wala akong jio na nakita. I wanna text him kung absent ba siya but I don't have the urge. Teka nga bakit ko ba siya hinahanap? Mas mabuti na to para hindi na siya mas lalong mapaasa pa.

"Ate stacey kayo na ba?" napa-tingin ako sa dalawang babae na kumausap saakin. Papalabas na ko sa campus nung kausapin nila ako. Taka ko silang tinignan.

"Ni kuya jio po" kinikilig na sabi nung isa. Umiling-iling naman ako.

"Kamusta naman po yong luto niya? Masarap ba ate?" kinikilig parin na tanong nila. Napa-taas ang kilay ko. Luto? Anong luto?

"Ate alam naman namin na ipinagluto ka niya kahapon eh. Nakita namin sa insta. Yun na siguro ang pinakamasaya na birthday niya for sure" sabi pa niya.

"What?" inilabas naman nung babae yong cellphone niya tsaka may screenshot siyang ipinakita.

Madaming pagkain na nasa lamesa. Oh my god lahat ng paborito ko nandun. May cake din sa gitna. May mga balloons din na nakadikit na sa kisame may mga nagkalat rin sa floor.

'Can't wait. I'm so excited but nervous at the same time baby'

Yan yong caption niya. Parang sinasaksak ang puso ko. Alam ng lahat na yong baby na tinutukoy niya ay ako. Paano ba naman kasi nung nag-status ako sa facebook nag-comment siya. 'Yes baby?' yan yong comment niya at ayon pinagpyestaan ng mga studyanteng nag-aaral din sa skwelahan namin.

Tumakbo nalang ako at mabilis na pumara ng taxi. Sinabi ko yong location ng condo ni jio. Pagkarating ko ay hinanap ko yong staff na nagbigayan ko nung regalo. Mabuti nalang at nakilala niya ako eh hindi ko na halos maalala yong mukha niya. Dumiretso na ako sa elevator at ipinalangin ko na sana hindi ko na ulit makita pa si jeongin dito. Mabuti nalang at walang tao na bumungad saakin pagkalabas ko sa elevator. Nung makarating na ako sa harap ng condo ni jio ay pinindot ko na yong passcode niya. Yeah alam ko. Sinabi niya kasi sakin kahit hindi ko naman tinatanong
Pati nga rin password ng cellphone niya alam ko. Pare-pareho lang naman.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon