Chapter 13

14 4 0
                                    


Kahit na sobrang ganda na nang view sa mga nag-stop'an namin ay nawalan na ako ng gana. Naiinis ako kapag nag-iinarte si lily para lang mapalapit kay jio. Eto namang si jio halos masapak ko na. Kulang nalang hilain ko na siya at dito nalang siya sa tabi ko pero hindi ko magawa kasi hindi niya pa ko pinapansin.

"Hoo nakakapagod!"

"Finally we survived"

"Hindi ko na to uulitin swear!"

Yeah pagkatapos ng napakalayo naming linakad at inakyat ay natapos din kami. Shoot halos himatayin na ako sa pagod kanina. Sobrang layo. 7 kaming nagsimula 11 kaming natapos well kasama na doon ang mga pahinga at picture taking. 4 fucking hours like seriously?

"Guys where do you want to eat? Jio san mo gusto?" napakunot ang noo ko tsaka tumingin kay lily.

"Ahh lily sorry pero may lakad kami jio ngayon. Hindi na kami makakasama sainyo" napalingon si lily sakin pati na rin mga kaibigan niya.

All in all siyam kaming lahat na naghiking. Pero tangina lang dahil naa-out of place ako dahil jowa pala ng mga babae yong tatlong kasama namin na lalaki. Tanging sila jio at lily na nga lang ang ka-close ko hindi pa nila ako pinapansin. Bwisit.

"Stacey naman kakain muna tayo"

"Sorry talaga lily. May importante talaga kaming lakad ni jio, right jio?" sabi ko pa tsaka pinanlakihan ng mata si jio.

"Yeah"

"Okay. Next time nalang. But hindi ba talaga pwede?"

"May hinahabol kasi kaming oras. Sorry talaga lily"

"Sige na nga. Ingat kayo. Bye" nadidismayang sabi ni lily tsaka nakipagbeso na sakin. Nagpaalam na rin yong mga kaibigan niya at sumakay na sa sasakyan nila. Nagulat naman ako nung humarap ulit si lily saamin ni jio.

"Bye jio" mabilis na sabi niya tsaka hinalikan ang pisngi  at ang kamay niya ay napayakap pa kay jio. What the hell.

Kita ko ang pagkagulat ni jio sa ginawang yun ni lily. Mabilis din naman na tumalikod si lily samin tsaka sumakay na sa sasakyan nila. Nagpaalam na sila saamin tsaka na humarurot palayo yong sasakyan nila.

Napa-buntong hininga nalang ako nung makaalis na sila. Tanging kami nalang dalawa ni jio ang natitira. Naglakad na si jio papalapit sa sasakyan niya. Sumunod naman ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto tsaka siya rin ang nagsuot ng seatbelt ko tulad ng dati niyang ginagawa.

Umikot din naman siya para sumakay sa driver's seat. Pagkaupo niya ay sumulyap pa siya sakin pero mabilis din naman yun.

"Give me your hands jio" walang ganang sabi ko. Walang emosyon parin siyang napatingin saakin. Inirapan ko nalang siya tsaka hinablot yong kamay niya at pinunasan yun ng wet wipes na dala ko. Inis ko rin na pinunasan ang pisngi niya gamit yong tissue.

"Don't ask me. Just drive" sabi ko pagkatapos kong punasan ang kamay at pisngi niya. Nakakainis.

Hindi siya nagsalita tulad ng sinabi ko. Sobrang tahimik dito sa loob ng sasakyan niya. Nagpasalamat naman ako nung tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si jihan.

"Hi stacey. Are you guys done with your so called hiking?" natatawang bungad niya.

"Yeah. Pauwi na kami. And by the way I have something to tell you mamaya"

"Ano yun? Ngayon na" tila nae-excite na tanong niya.

"Mamayang gabi na. Bye" mabilis na sabi ko tsaka binabaan na siya ng tawag.

"Sinong tumawag?" pasimple nalang akong napa-ngiti. Finally kinausap din niya ako.

"Bakit mo tinatanong?" taas kilay na tanong ko. Nasulyap siya sakin pero mabilis lang yun dahil sa daan siya nakatutok.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon