Chapter 49

17 2 0
                                    


Nagpaikot-ikot ako sa kwarto ko at ilang ulit na napatili. Sinuntok-suntok ko rin ang unan ko tsaka pabagsak na humiga sa kama ko. Nakakainis lang kasi eto na yong huling gabi na magkasama kami ni jio pero pinaalis ko siya. Hindi naman sa ayoko pero kasi baka kapag natulog pa siya dito sa tabi ko baka hindi ko na kayang pakawalan pa siya. Na hindi ko na siya mapapaalis. Ayoko rin na makita ang pag-alis niya. Natatakot ako. Paano kapag hindi na siya bumalik? Paano kapag makahanap na siya ng iba doon? Ughh nakakainis!

Wala na akong ibang paraan na maisip para hindi na siya matuloy sa pag-alis niya. Gusto ko siyang itali para hindi na siya makaalis. O di kaya ay painomin ng gamot na pampatulog para hindi na niya maabutan ang flight niya bukas ng gabi. Marami akong gustong gawin para hindi siya matuloy pero alam ko lahat ng yan ay malulusotan niya. I mean napaka-matured niya kasing mag-isip. Willing siyang gawin lahat para sa future. Para sa future namin. Ayaw niya kasing tumunganga nalang kami kapag nag-asawa na kami. Oo palagi niyang sinasabi saakin na gustong-gusto na niya akong pakasalan pero nangako kasi siya na magtatapos muna siya sa pag-aaral tsaka kukuha ng trabaho bago niya ako pakasalan.

Sabi nga rin niya na ayaw niya akong napapagod. Kapag daw mag-asawa na kami hinding-hindi ko mararanasan ang lungkot tsaka pagod kasi siya daw lahat ang gagawa.

Tumayo nalang ako tsaka nagpalit na nang damit. Hindi ko na kayang magtiis dito. Nakakainis! Ayoko talagang umalis siya. Sino naman kasi ang gugustohing malayo sa taong mahal mo? Ghad jio I really hate you for doing this to me. I really hate you for making me in love with you this much. I hate you because I love you na parang mababaliw na ako sa pag-alis mo.

Dumiretso ako sa condo niya. Sana lang hindi pa siya tulog kasi 12 midnight na rin. Pinindot ko na yong passcode. Nakapatay na yong ilaw sa salas. Tanging ang ilaw nalang na nanggagaling sa kwarto niya ang nagbibigay liwanag sa salas. Medyo nakabukas kasi yong pintoan ng kwarto niya kaya lumalabas yong liwanag.

Napatingin siya sakin nung pumasok ako sa kwarto niya pero ibinalik din naman niya sa binabasa niyang libro ang paningin niya. Nakasuot siya ng reading glasses tsaka naka-semi higa din niya. Nakasandal ang kanyang likod sa head board. Napabuga ako ng hangin tsaka nilapitan siya at umupo ako sa tiyan niya paharap sakanya. Kinuha ko sakanya yong librong binabasa niya tsaka yun inilagay sa gilid.

Kumunot ang noo niya. Tsk bakit ang gwapo niya parin? Tinanggal ko yong suot niyang reading glasses at ipinatong yun sa libro niya.

"Baby stop"

"Shh" I seductively said. Tinanggal ko ang suot kong damit. Eto nalang ang natitirang paraan ko para hindi na siya umalis pa. Gusto kong mabuntis niya ako. I want him. I really want him so bad.

Nanliit ang kanyang mga mata. Hinawakan ko yong kamay niya tsaka yun inihawak sa hita ko. Nagsimula ko siyang halikan sa leeg niya habang unti-unting tinatanggal ang mga butones nang suot niyang pantulog.

Napunta sa bewang ko ang kanyang kamay. Pilit na pinapanatili doon. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko na para bang pinipigilan niya ang kanyang sarili.

"Baby please stop" he whispered pero kasalungat nun ang ginawa niya kasi hinawakan niya ako sa pisngi ko tsaka nagsimula na niya akong halikan. Tuloyan niyang tinanggal ang pang-itaas na damit niya tsaka siya tumayo at hinapit ako sa bewang. Hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin. Patuloy siya sa paghalik sa labi ko na para bang may kinukuha siya dahil palalim na nang palalim ang halik niya sakin.

Hanggang sa namalayan ko ang pagkasandal ko sa malamig na bagay. Isinabit niya ang kamay ko sa leeg niya tsaka ko naramdaman ang pagbuhat niya saakin paupo sa hindi ko alam kong saan. Mas mataas na ako ngayon sakanya. Bumaba ang kanyang halik papunta sa leeg ko.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon