Kinabukasan...Halos mapatalon ako sa gulat nung makita ko si jio na nakasandal sa pintoan nang condo niya. Kakalabas ko lang kasi sa condo ko at aalis na sana papuntang school. Akala ko hindi niya ako sasamahan ngayon kasi nga diba kagabi nagtampo siya saakin.
Nakasuot siya ng eye glasses at nauna nang naglakad. Sumunod naman ako sakanya. Gusto ko siyang kausapin kaso nahihiya ako. Hanggang sa makalabas kami sa building ay walang nagsalita saaming dalawa. Dumiretso na kami sa bus stop para maghintay ng bus. Hindi pa man kami nagtatagal nung may tumigil na sa harapan namin.
Tulad ng dati ay sa tabi ako ng bintana at sa tabi ko naman si jio. Isinuot niya yong earphones niya dahilan upang mas lalo akong matahimik at hindi na sumubok pang magsalita. He held my hand tsaka niya yun hinalikan at ipinikit na niya ang mga mata niya. Napatitig ako sa kamay kong hawak niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya dito. Ramdam ko rin ang init ng balat niya.
Nung tumigil na yong bus malapit sa school ay bumaba na rin naman na kami ni jio. Bumitaw din naman ako sa kamay niya dahil may mga studyante kaming nakasabay na bumaba na nag-uunahan sa pagbaba.
Maglalakad na sana si jio patawid sa pedestrian lane pero napabalik siya nung mapansing hindi na ako nakasunod sakanya. Nahuli kasi ako sa pagbaba dahil pinauna ko yong mga studyante na kapareho ko lang naman ng skwelahan. Mukhang late na kasi sila kaya sobrang nagmamadali sila.
Hinawakan ulit ni jio ang kamay ko hanggang sa maihatid na niya ako sa room ko. Saktong papasok na sana ako sa loob nung makasalubong namin si lily palabas.
"Jio" sambit ni lily. Hindi niya ako tinignan. Tanging kay jio lang siya nakatingin na nasa likod ko. Namumuo ang mga luha sa mata niya. Napatigil ako. Natatakot din akong harapin si jio dahil ayokong makita ang reaksyon sa mga mata niya.
"C-can we talk?" tanong pa ni lily. Napakagat ako sa labi ko. Shit jio subukan mo lang.
Dire-diretso nalang akong naglakad papasok sa room at hindi na ulit sila nilingon pa. Ayokong marinig ang sagot niya. Parang gusto ko nalang siyang hilain at itago nalang para masiguradong akin lang siya. Fuck this feeling!
Nung pasimple akong tumingin sa labas ay wala na sila doon. Hindi na rin pumasok si lily hanggang sa matapos ang klase namin. Mas lalo akong hindi mapakali.
Pumunta muna ako sa office para sabihin na hindi ko tatanggapin yong offer nila. Nadismaya naman sila sa naging pasya ko. Sabi nalang nila na hahanap nalang sila ng iba.
1 new message
Chan hindi kita masusundo sorry. I have important things to do. I love youSaktong lalabas na sana ko nang office nung magtext siya. Parang gusto kong umiyak dahil sa mga thoughts na pumapasok sa isipan ko. Paano kapag magkasama sila ni lily? Paano kong siya na ang mahal niya? Sumisikip ang dibib ko. Its looks like ako naman ang iiyak ngayon kay jio. Shit.
Nung nasa hallway na ako ay tsaka lang ako napatigil nung mag-ring ang cellphone ko. Lily?
Hindi ko alam kong sasagotin ko ba o ano kasi natatakot ako sa sasabihin niya. Natatakot akong malaman na magkasama sila ngayon ni jio.
In the end ay kusa ko nalang na sinagot yong tawag niya. Maingay sa paligid niya. Hindi ako nagsalita dahil hinihintay kong siya ang magsalita.
"Y-you ruined it all stacey" dinig kong sabi niya. Hindi ko matukoy kong umiiyak ba siya o lasing siya. Sabihan niyo na akong masama pero sa totoo lang ay gumaan ang loob ko dahil sa pananalita palang niya ay halata nang tapos na sila ni jio.
"A-ano bang meron s-sayo? Ipinamigay ni jihan si mark sayo because you're her bestfriend-"
"Ipinamigay? Fuck lily ibang-iba yun sa totoong nangyari! Oo naging akin nga si jeongin pero yong puso niya na kay jihan! Oo naging masaya ako habang kasama ko si jeongin pero sa likod pala nun ay awang-awa na sila saakin. Ginawa nila akong tanga lily!" wala na akong pakealam kong magtaas man ako ng boses ngayon dahil wala na rin namang tao dito. Magdidilim na rin ang paligid dahil hapon na.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...