MUST READ!!:
PLEASE DO READ THE PREVIOUS CHAPTER FIRST BEFORE READING THE EPILOGUE! PLEASE PO SIGURADOHIN NIYO MUNANG NABASA NIYO NA YONG PROLOGUE,CHAPTER ONE AND SO ON! PLEASE LANG PO! AND PLEASE HUWAG NA HUWAG PO KAYONG MAGBABASA SA COMMENT SECTION NOT UNTIL YOU DONE READING THE ENDING OF THIS STORY.Pinaghirapan ko po ang every chapter so I'm asking you to read all of those before this epilogue.
You know why I don't want you to read this epilogue if hindi mo pa nababasa ang lahat ng chapter?
Its because previous chapter can be useless just because you read the epilogue part.
********************************
Hindi ko pa nakikita si jio ngayong umaga. Sabi kasi nila bawal kaming magkita hangga't wala kami sa simbahan.
Nandito na kami ngayon sa harap ng simbahan. Nasa loob pa ako ng kotse at hinihintay nalang na sabihin nilang bumaba ako. Sobrang kinakabahan ako pero hindi ko maiwasang mapa-ngiti at the same time ay maiyak. Hinawakan ni mommy ang kamay ko. Umiiyak na siya. Kaya ako mas lalong nahahawa eh.
Kinatabi ko rin na natulog si mommy at daddy kagabi. Mamimiss daw kasi nila ako. Ang dami na ngang ibinilin ni mommy eh. Na dapat daw ako yong gagawa sa mga gawaing bahay at syempre ipagluluto ko daw si jio. Hindi nga ako marunong eh. Sana lang hindi mawala ang noodles o mga itlog dahil yun lang talaga ang alam kong lutoin. Hindi ko hilig ang pagluluto eh.
Nung kumatok na si daddy sa bintana ng kotse ay bumaba na kami ni mommy. Inayos ni mommy ang gown ko at hinalikan ni daddy ang noo ko.
Nagsimula nang maglakad yong mga ring bearer at flower girls. Sumunod din ang iba pa tsaka nahuli sina jihan at lily. Hanggang sa kami na nila mommy at daddy.
Unang hakbang ko palang ay tumulo na ang mga luha ko. Nagpalakpakan ang mga tao. Nakikita ko na rin si jio sa harap na kahit malayo pa siya ay nararamdaman ko na ang pagtitig niya sakin.
Parang kailan lang nung sinabi niyang liligawan niya ako. I didn't expect na liligawan niya talaga ang mga kaibigan at magulang ko. Hindi ko rin inakala na magiging seryoso siya sakin. Na mamahalin niya ako ng ganito. Ang dami na niyang nagawa para sakin. Ang dami kong naging kasalanan sakanya but look heto parin siya. Ako na ata ang pinakaswerteng babae sa buong mundo.
Naaalala ko pa nung nag-iiyakan pa kami. Nung time na takot na takot kaming mawalay sa isa't-isa. Who would have thought na yong 10 years ay malalagpasan namin? And who would have thought na until now mahal niya parin ako. Na mahal ko parin siya. Ang dami na naming pinagdaanan.
Ilang beses ko na siyang inaway. Ilang beses ko na siyang pinagtulakan. Pero gumagawa parin ang tadhana na paglapitin kami. Maybe its not the destiny. Its him.
Ibinigay ni daddy ang kamay ko kay jio. Hinalikan ni jio ang noo ni mommy tsaka niya niyakap si daddy at tuloyan na silang umalis at umupo sa upuan. Nanlaki rin ang mga mata ko nung makita ko sila lola at lolo sa gilid. Nakarating sila!
"You looks so beautiful baby" I heard jio whispered tsaka niya ipinasok ang kamay niya sa loob ng veil ko at pinunasan ang mga luha ko. Kita ko nga rin ang pagtulo ng luha niya eh.
"We are gathered together here to unite this man Jio Yyianas and this woman Stacey Channel in the bonds of matrimony" naramdaman ko ang paghawak ni jio sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomansaCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...