Chapter 57

15 3 0
                                    


Ilang ulit akong napailing-iling at pilit na inaalis sa isipan ko ang sinabi ni jio. Ewan ko ba kong bakit pero kahapon pa gumu-gulo sa isipan ko ang mga sinabi niya. Parang kumikirot ang puso ko na ewan. Siguro naaawa lang ako sakanya.

Basta ang lungkot-lungkot kasi ng mga mata niya. Kahit na tumawa siya sa harapan ko o ngumiti parang hindi yun kompleto. Madalas ko rin siyang makita sa bench habang nakatulala sa mga bituin sa kalangitan.

***

Kinabukasan...

"Doc dito nalang ako pleaseee" kanina pa ako nagmamakaawa kay Doc na huwag akong ilipat. Kadarating ko lang tapos eto na agad ang bubungad sakin hayst.

"Nag-leave kasi si nurse lyn so doctor yyianas needs assistant. The head already signed about this so wala akong magagawa"

"Okay doc" saad ko nalang tsaka naglakad na palabas sa office niya. Sa dami ng nurse dito ako pa talaga ang napili?! Ughh ano ba yan!

"Ohh rapunzel pupunta ka na sa iyong hari?" natatawang tanong ni joy.

"Tsk bwiset" singhal ko nalang tsaka nilagpasan na siya. Narinig ko pa ang pagtawa niya. Dumiretso nalang ako sa office ni jio at kumatok muna bago pumasok.

Napaangat naman siya ng tingin sakin. Napatigil pa ko nung makita ko siyang may suot na eye glasses kasi shet ang gwapo niyang tignan! Mabilis kong itinikom ang labi ko kasi feel ko talaga napanganga ako.

"Goodmorning"

"Goodmorning have a seat" saad niya. Tumango naman ako tsaka umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa niya.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa office niya. Kulay puti lahat. Walang masyadong gamit hindi tulad sa office ni doc salvador. Tanging ang lamesa, a set of couch na nasa pinakagilid tsaka ang standing na hindi ko alam ang pangalan basta yong lalagyan ng lab gown niya.

Amoy niya rin ang naaamoy ko. Ang bango. Nakaka-addict na ang sarap sa feeling. Parang nakakagaan rin ng loob. Ang sarap din mag-isip kasi napaka-neat dito sa loob.

Napatingin ako kay jio, nakatingin na ulit siya sa mga papel tapos may pinipirmahan siya pagkatapos. Ba't ang gwapo niya talaga sa suot niyang eye glasses na yan?! Ang kinis-kinis pa ng mukha tsaka ba't ba palagi siyang fresh tignan?! Samantalang ako haggard na haggard na eh umaga palang! Ang unfair!

Napatayo naman ako nung may kumatok sa pintoan. Binuksan ko yun tsaka pinapasok yong pasyente. Kumuha ako ng patients record tsaka finill-up an yun. Kinuha ko rin ang bp ng pasyente pagkatapos ay si jio na ang kumausap.

■■■

Lumipas pa ang ilang oras hanggang sa wala nang pasyente sa labas. Ang dami kasi nila kanina na nakapila as in puno yong upuan.

"Lets go" napatingin ako kay jio nung magsalita siya.

"Where?"

"Kakain" saad niya. Napatingin naman ako sa relo ko. Fuck 12:45 na pala! Kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom kanina pa. Tumango nalang ako tsaka tumayo na rin.

"Saan mo gusto?" he asked.

"Sa labas nalang yun ang pinakamalapit eh. Kailangan pa nating bumalik agad dito" napatango-tango nalang si jio tsaka lumabas na kami sa hospital.

Napanganga nalang ako nung makitang ang daming inorder ni jio. Pareho sila ni jeongin ang dadami nilang binibili pero hindi naman nauubos lahat!

Umupo na siya sa harapan ko at nagsimula na kaming kumain. Nakakainis lang kasi gutom na gutom ako kaya ang dami kong nakakain pero hindi manlang ako nakakaramdam ng hiya samantalang kapag si jeongin ang kasama ko nakakaramdam ako ng hiya.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon