"Uwi ka na?" napa-tingin ako kay joy nung magsalita siya. Tumango ako. I texted jeongin na sunduhin niya ako."Sinong kasama mo?"
"Jeongin. Sabay ka na samin"
"Mauna nalang kayo may gagawin pa ko" saad naman niya tsaka nagpaalam na at umalis. Pumunta naman ako office ni jio para kuhanin doon yong bag ko.
Nakaupo siya habang nasa lamesa yong mukha niya. May pinapagulong siyang maliit na bagay nung dumating ako pero mabilis niya din naman yun na itinago nung makita niya ako. Nag-iwas nalang ako ng tingin tsaka kinuha na yong bag ko. Lalabas na sana ako pero napatigil ako nung magsalita siya.
"Sabay na tayo"
"May kasama ako"
"Sino?"
"Jeongin" saad ko tsaka siya hinarap.
"Chan--"
"Stop calling me chan" seryosong saad ko na ikinatigil niya.
"Chan--"
"I said ayokong marinig ang pangalang yan!" tumayo siya tsaka niya ako nilapitan. Ayan na naman siya sa mga titig niya. Sobrang lungkot. Para bang may nasabi akong hindi ko dapat sinabi.
"Anong nagawa ko?" mahinang tanong niya.
"Wala"
"Anong gusto mong gawin ko?"
"I want you to stop doc jio. Tigilan mo na ang kahibangan mong to" saad ko. Ginagamit niya lang naman ako dahil sa ex niya eh. Sabi ni linda may hinihintay siyang babae from his past. Ginagawa niya lang akong panakip butas. Kaya mas mabuti na yong putolin ko na ang ano mang namamagitan saamin.
Ayoko rin na tinatawag niya akong chan kasi sumasakit lang yong puso ko. Ayokong maalala ulit ang mga nawalang alaala ko kasi natatakot akong malaman ang mga yun. Kasi feeling ko lahat ng mga yun ay ang mga masasakit na alaala. Kaya siguro yun nawala sa alaala ko kasi ayaw na ni God na masaktan ako. Siguro hiniling ko na mawala ang mga ala alang yun.
"No" matigas na saad niya.
"Then fine ako yong lalayo"
"Chan--"
"I said stop! Kami na ni jeongin okay? Magpapakasal na kami so please, please stop!"
"N-no chan. Youre lying" kita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ang pag-igting ng panga niya. Kumislap rin ang kanyang mga mata na animo'y may tutulong luha galing dun.
"I love him" napailing-iling siya. Hinawakan niya yong kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy doon.
"Look at me" seryosong saad niya. Huminga ako ng malalim tsaka ako tumingin sakanya. "Sabihin mo ulit yong sinabi mo"
"Mahal ko siya jio so please you better stop" napakagat ako sa labi ko nung sabihin ko yun. Hindi ko rin alam kong bakit naiiyak ako. Fuck!
Napayuko siya sa harapan ko habang hawak parin yong kamay ko. Napatingala ako para pigilan ang pag-iyak ko nung magsimula siyang humikbi.
"H-hintayin mo munang bumalik yong alaala mo--"
"Matagal ko na yong kinalimutan and ayoko nang bumalik pa yun. At kapag naalala ko man ulit yun I'd rather choose na ibaon ulit yun sa limot"
"W-why?"
"Kasi masaya na ako ngayon"
"Paano ako?"
"Ginagamit mo lang naman ako--"
"Hindi kita ginagamit"
"Gusto mo ko?" sarkastiko akong napatawa.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...