"Chan am I that selfish if I'll asked you to marry me?" nanlaki ang mga mata ko. Kusa rin na nagsituloan ang mga luha ko. "M-mahihintay mo ba ako?" nabasag ang kanyang boses. Pati rin siya ay hindi na niya mapigilang mapaluha.Dahan-dahan akong tumango. "Yes jio. Oo" natigilan siya tsaka napangiti pero ang mga luha niya ay patuloy lang sa pag-agos. Tumayo siya tsaka isinuot niya sakin ang isang necklace na may pendant na singsing. If I'm not mistaken eto yong binili niya na souvenir noon sa fieldtrip namin. Napapalakpak yong mga nasa malapit saamin.
"Don't lost this okay? Pagbalik ko, sa daliri mo na to ko isusuot" he said tsaka niya ako niyakap ng sobrang higpit. "I love you"
Hindi ako sumagot. Yinakap ko siya pabalik. Ayokong umiyak pero tuloy-tuloy na talaga ang pag-agos ng mga luha ko. Sobrang higpit na rin nang pagkakahawak ko sa damit niya. Bakit pakiramdam ko after nito mawawala na siya? Na aalis na siya? Ayoko.
Hinagod-hagod niya ang likod ko. Ayoko sanang gawin niya yun kasi mas lalo akong naiiyak pero hinayaan ko nalang siya.
"Jio tell me please" hindi ko man sinabi kong ano yun pero alam kong alam na niya na ang tinutukoy ko ay kung kailan siya aalis. Iniharap niya ako sakanya. Pinunasan niya ang mga luha ko.
"You really love me that much huh?" saad niya pa at patuloy lang sa pagpunas sa mga luha ko. Pinapagaan niya lang ang sitwasyon I know.
"Kailan nga?"
"You're allowed to cry now baby but promise me hindi ka iiyak pag-umalis na ko. Okay?"
Umiling-iling ako. Jio you know I cant do that. Ngayon palang sobra-sobra na ang iyak ko. Paano nalang pag-umalis ka na?
"Sabi mo ayaw mo kong umiiyak, b-bakit ngayon ikaw na yong nagpapaiyak sakin?" sabi ko.
"Chan babalik ako. Para saatin to. Para sa future natin. Para sa kasal natin. Para sa mga magiging anak natin" yinakap niya ako. Alam kong ayaw niya lang na makita ko siyang umiiyak.
"4 more days baby. 4 days" mas lalo akong napaiyak. Apat na araw nalang aalis na siya. Apat na araw nalang para makasama ko siya. Apat na araw na ayoko nang matapos.
"K-kailan ka babalik ulit dito?" matagal bago siya nakasagot.
"After 10 years" umiling-iling ako. Mahigpit niya akong niyakap.
"Ayoko jio. Ayoko. Sobrang tagal nun" umiiyak ma sabi ko.
"Mabilis lang yan. Mabilis lang. Isang araw gigising ka nalang na nasa tabi mo na ulit ako. Na kasama mo na ulit ako. One day I will not leave you anymore" napabuga siya ng hangin. Hinalikan niya ang sentinido ko.
"I love you. I'll love you forever chan"
"Hihintayin kita pero promise mo sakin pagbumalik ka na dito ako ang unang makakaalam. Ako ang una mong pupuntahan jio"
"Promise chan. Promise"
"Promise mo din na huwag mong wawalain to dahil pagbumalik na ko isusuot ko na sa daliri mo yan chan. Pagbumalik ako papakasalan na kita. I cant wait for that day"
"I promise"
"Hey look!"
Napatingin kami sa itinuro nung isang foreigner na malapit saamin. Nanlaki ang mga mata ko nung makitang sunod-sunod ang mga falling stars sa kalangitan. Sobrang ganda. Bilog na bilog din ang hugis ng buwan.
"Those stars will help us para matupad ang mga promises natin sa isa't-isa. Remember this day chan" bulong ni jio sa likuran ko. Tumango-tango ako habang nakatingin lang sa mga falling stars. Napakaganda at nakakabilib. Inakbayan ako ni jio at tumingin din siya sa kalangitan. Unti-unti akong napangiti.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...