Naging usapan sa buong school namin na wala na talaga kami ni jio. I mean hindi naman talaga naging kami. Kakaiba yong paligid parang nagluluksa lahat. May mga nakakasalubong ako at parang may gusto silang sabihin pero hindi nalang nila tinutuloy."Okay ka lang?" tanong ko kay jihan na tulala sa gilid ko. Pinahid niya rin yong luha niya tsaka tinignan ako.
"Ikaw? Okay ka lang?" pagbabalik tanong niya.
"Hmm"
"Absent ngayon si jio. What do you think he's doing right now?"
"I don't know"
Ilang sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin.
"Bakit ka umiiyak?"
"Masakit. Nakaka-disappoint kasi hindi manlang naging kayo. Fans lang kami pero masakit na, paano nalang siya? Hindi ko alam kong paano niya nakakayanan lahat sa kabila ng mga problema niya--"
"What do you mean?" pagpuputol ko sa sinasabi niya.
"May isesend ako mamayang gabi sayo"
"Ngayon nalang"
"Mamaya na" magsasalita pa sana ako pero saktong pumasok na yong prof namin. Time na pala.
Nung matapos na ang klase namin ay tulad ng dati ay nagmamadali ulit na umuwi si jihan. Nagtataka na tuloy ako sa mga ikinikilos niya. Napapadalas na ang pag-iiwan niya sakin. Napailing-iling nalang ako tsaka naglakad nalang ako pauwi. Hindi ko rin nakikita si jeongin ngayong araw. Ang sabi kanina ni jihan ay may practice yong mga candidates ngayon sa gym kaya siguro hindi ko pa nakikita si jeongin well pati na rin si jio. Gusto kong manood pero huwag nalang. Mas mabuti nang umiwas muna.
Nung gabi na ay nag-online ako. Madaming nagmessage sakin pero hindi ko yun pinansin. Yong kay jihan lang yong inopen ko. Nagdadalawang isip pa ako kung babasahin ko ba yun o ano. Screen shot yong sinend niya. It was a convo between jio and a girl. I don't know who is she. Pareho kami ng pangalan. Siya yong kausap ni jio na pinagkamalan kong ako yong kinakausap niya.
Jio: Hey.
Stacey: personal problems, family issues, ano pang problema mo jio? Go on tell me.
Jio: he's my half brother to my mother's side. Fuck bakit siya pa? Bakit sunod-sunod pa? I lose everthing. I don't know what to do right now. I'm so depressed. Stacey siya lang yong lakas ko, she's my everything, siya lang ang nakakapagpaalis ng kalungkotan ko but she also left. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na kailangang-kailangan ko siya? I love her so much and now its killing me. Unti-unti. Sobrang sakit.
Stacey: jio you don't deserved this. I'll be right there tomorrow swear. Don't do such things jio or else I'm going to kill you. Naiintindihan mo ko?
Jio: ohh come on stacey hindi mo ko matatakot sa mga ganyan.
Stacey: I m going to tell stacey channel about this jio!
Jio: then go. She doesnt care anyway.
Stacey: mahal na mahal mo naman😝😝
Jio: tsk.
Stacey: you're really in love huh
Jio: stop it stacey
Stacey: jio is in love.
Jio: I said stop. Its not funny anymore.
Stacey: bakit sumuko ka na? If you really love her, you should not stop jio
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...