Chapter 46

15 2 0
                                    

"This is torture chan"

Hinawakan ko yong kamay niya tsaka yun pinisil.

"I love you" saad ko. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi makapaniwala. This is the first time na sabihin ko ito sakanya. I know he's been waiting for this for a very long time. He deserves this.

"W-what?" halos hindi niya mabigkas ng maayos ang mga salitang yun. Humakbang ako mas palapit sakanya. Hinawakan ko ang pisngi niya tsaka mabilis na hinalikan ang labi niya. Smack lang yun.

"Mahal kita" pag-uulit ko pa tsaka hinalikan ko ulit ang labi niya. "I love you jio" huling sabi ko tsaka hinalikan ko pa ulit ang labi niya. Smack lang yong mga halik na yun. Wala na rin akong pakealam sa mga nakakakita saamin.

Nanlaki ang mga mata ko nung magsimulang magsiputokan yong mga fireworks. Sobrang ganda. Hinila ko si jio papunta sa direksyon kanina ng mga tao. Mabuti nalang at may space pa sa mga railings.

Napa-wow nalang ako nung magsimulang umilaw yong mga iba't-ibang kulay ng ilaw sa baba tsaka sunod-sunod na pagputok ng mga fireworks. Hindi ko alam kong saan ako titingin. Kung sa mga fireworks ba o sa mga ilaw ng mga rides sa baba. Ang gaganda.

Napangiti ako. So dito pala ang gustong ipakita saakin ni jio. Napa-ngiti ako. Yinakap niya ako galing sa likod. Ipinatong niya rin ang baba niya sa balikat ko.

"I love you too baby" I heard him whispered. Ngumiti nalang ako nung itutok niya sa harapan namin yong cellphone niya. We took a selfie together.

Nung matapos na yong fireworks ay tinanong na ako ni jio kung anong gusto kong kainin. Madami kaming streetfoods na nadaanan kanina. May mga pang resto din pero open yong area.

"Shakes lang sakin hindi pa ako nagugutom eh" sagot ko. Tumango naman siya. Siya na yong pumila doon at bumili. Pinagtitinginan nga rin siya ng mga babae eh. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko what did I do to deserve him? Like seriously ilang ulit ko na siyang nasaktan but he's still here. Kung ibang lalaki na siguro to baka matagal na silang sumuko. Im too lucky to have him.

Ilang sandali lang ay nakabili na rin siya. Tumayo na ako tsaka tinangap yun at naglakad na kami papasok sa parang castle. Sa loob ay yong mga iba't-ibang uri ng rides. Kumbaga mini desney land.

Nakahawak si jio sa bewang ko habang ako naman ay yong shakes.

Malamig pero hindi na katulad kanina kasi mas madami ang tao ngayon dito. Nung makapasok na kami ng tuloyan ay naghanap na nagpaikot-ikot muna kami. Sobrang ganda. As in. Perfect sa mga couple dito at pamilya. Siguradong sulit na sulit.

Una kaming sumakay sa flying fiesta. Mukhang mawawalan na ako ng boses kinabukasan nito. Pagkatapos ay sa Ekstream yong dahan-dahan kang tumataas tas magi-stop sa pinakatuktok at ilang segundo lang ay bigla nalang babagsak. Shet mah heart! As in walang matitirang hangin sa katawan mo kapag bumagsak ka na. Akala ko nga hihimatayin na ako kanina. Sunod ay sa swan lake kami. Tama na muna yong mga nakakatakot na rides. Tinatawanan nga ako ni jio eh habang ako halos mamatay na.

Madami pa kaming sinakyan hanggang sa ayoko na kasi nakakahilo yong huling sinakyan namin. Nasuka nga ako eh yakk. Nagpahinga muna kami saglit tsaka kami kumain at pagkatapos ay umuwi na kasi gabi na rin.

Pabagsak akong umupo sa kama ko pagkauwi namin. Nasa condo na rin niya si jio. Nagpaalam na siya kanina kasi may gagawin pa daw siyang paper works. May kailangan daw siyang report na gagawin. Siguro project niya yun pagbalik niya dun.

Kinuha ko yong cellphone ko tsaka tumayo sa harap ng salamin. Pinicture ran ko yong repleksyon ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makaget over sa ganda ng damit. Ang dami pang magaganda doon pero kasi alam kong ayaw ni jio yong mga yun kaya hindi nalang ako nagsalita. Babalikan ko yun next time.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon