"Jio""Babe tama na"
"Nakita ko siya. Nandito lang siya kanina"
Mabilis akong niyakap ni jeongin nung makitang tumulo na ang mga luha ko. Kanina ko pa inililibot ang paningin ko para hanapin si jio pero hindi ko na ulit siya nakita. Sigurado akong siya yong nakita ko kanina. Pero bakit bigla siyang nawala?
Pinahid ko nalang yong mga luha ko tsaka humiwalay na kay jeongin at sinabing umuwi na kami. Hindi naman na siya nagsalita ulit pa at inihatid na niya ako sa bahay.
"Babe are you okay?" tanong niya nung nasa tapat na kami ng bahay. Tumango ako.
Hinawakan niya ako sa pisngi ko at medyo iniangat ang mukha ko para matignan niya ako ng mabuti.
"Love you" unti-unti akong napangiti sa sinabi niya.
"I love you too"
Hinalikan niya ako sa pisngi ko tsaka pinapasok na sa loob.
Dumiretso ulit ako sa kwarto ko pagkapasok ko sa bahay. Tulad rin ng dati ay pabagsak akong humiga sa kama ko. Nagsimulang mamuo ang mga luha ko. Ano ba stacey?! Anong iniiyak-iyak mo dyan? Hindi ka dapat umiyak! Napaka-drama mo!
Tok
Tok
Tok
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko tsaka napabangon nung may kumatong sa pinto. Tumayo na ako tsaka binuksan yong pintoan. Bumungad saakin si mama na may hawak na cellphone. May kinakausap ata.
"Anak kakausapin ka daw ng lola mo" sabi ni mama tsaka ibinigay saakin yong cellphone niya. Bumalik ulit ako sa kwarto ko habang si mama naman ay bumaba.
"Hi lola! Kamusta po kayo?!" masayang bati ko. Miss na miss ko na siya! Silang dalawa ni lolo. Sobrang layo kasi nila saamin kaya sa summer lang kami nagkikita-kita tsaka kapag may time lang silang umuwi dito.
"Mabuti naman apo. Ikaw kamusta ka na? Kamusta pag-aaral mo?"
"Ayos naman po lola. Miss ko na po kayo!"
"Kami din apo. Miss na namin kayo"
"Nasan po si lo, lola?"
"Natutulog pa. Ahh apo may ipapakiusap lang sana ako sayo.."
"Ano po yun lola? Alam niyo naman pong hindi ko kayo kayang tanggihan la"
"Gusto ko sanang dito ka sa condo namin tumira sa susunod na pasokan. Kapalit nun ay ako ang magpapaaral sayo dito" kusa akong natahimik.
Kahit kailan hindi ko pa sila natatanggian dahil malaki ang utang na loob ko sakanila. Sabi ni mama saakin noong bata ako kung hindi daw dahil kina lola baka daw patay na sana ako ngayon kaya malaki ang pasasalamat namin kina lola. And this time hindi ko alam kong anong isasagot ko. Gusto kong tumanggi pero nahihiya ako dahil ngayon lang siya humingi ng ganitong favor saakin.
"Alam mo naman, ayokong walang titira dito sa condo. Pupunta kasi kaming US para ipagamot ang lolo mo"
"Lola baka po hindi pumayag sila mama at papa" pagdadahilan ko.
"Nasabi ko na sakanila apo, ikaw daw ang bahala kong gusto mo"
"Lola--"
"Please apo. Kahit eto lang"
"Sige po" napahigpit ako ng hawak sa cellphone ko.
"Thank you apo! Maraming salamat"
"Walang anuman po lola. Sige po lola may gagawin pa kasi ako. Bye po. I love you"
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...