Pinanood ko lang si jio na kumotan ako. Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Tapos na rin kaming kumain. Binigyan niya din ako ng malaking unan para yun ang yakapin ko kasi alam niyang hindi ako nakakatulog kapag wala akong yakap.Nakaupo siya ngayon sa ulunan ko at dahan-dahan na hinahaplos ang buhok ko. Actually kanina niya pa yan ginagawa, hinihintay niya lang akong makatulog pero hindi ko makuha ang tulog ko. Sa sofa siya matutulog ngayon katapat lang ng kama niya. Binabantayan niya lang ako dito hanggang sa makatulog ako bago siya pumunta sa sofa at matulog din. Baka daw kasi umiyak ako kaya titig na titig siya sakin.
"Sleep now chan I know you're tired" saad niya. Ipinikit ko ang mga mata ko pero naaalala ko lang ang nangyari ngayong gabi and it fucking hurts. Bakit yong kaibigan ko pa? Siya pa talaga?
"Chan I said sleep not cry" dinig kong sambit niya at naramdaman ko ang pagpahid niya sa tumulong luha ko. Iminulat ko ulit ang mga mata ko tsaka ako bumangon. Yumakap ako sakanya at isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya. I really like it when Im between in his arms. This is the place where I can hide and the place that nobody can hurt me because I know I have jio.
Iniharap ako ni jio sakanya. Pinagmasdan niya ang mukha ko at doon ko nakita ang expression niyang ganun pagkatapos ng ilang taon. Titig na pailalim.
"Movie?" he asked. Ngumiti ako tsaka tumango-tango. Napa-ngiti rin siya tsaka ako hinalikan sa noo bago tumayo at inayos yong flat screen sa harap din lang naman ng kama niya.
Tumayo din naman siya at bumalik sa tabi ko tsaka niya ibinigay saakin yong remote. Naghanap naman ako ng channel na may magandang palabas. At napatili nalang ako nung makita ko si jacob sa twilight!
"Wahhh twilight!!"
"Chan relax"
Inilagay ko yong remote sa tabi ko tsaka ako kumalma. Magkatabi kami ngayon ni jio dito sa kama niya habang nanonood ng twilight. Hindi ko rin maiwasan na mapangiti sa tuwing may scene si jacob. Ang gwapo niya kasi!
"He's not handsome" rinig kong sabi ni jio. Mahina lang yong pagkakasabi niya pero nadinig ko.
"Gwapo siya!"
"May asawa na yan"
"Wala pa! Ako palang magiging asawa niya" singhal ko.
"As if papayag ako" sabi niya pero hindi ko yun nadinig ng buo kasi sobrang hina ng pagkakasabi niya.
"Ano?" tanong ko.
"Wala. Come here" imbes ay sabi niya tsaka niya ako inakbayan papalapit sakanya. Ang bango niya talaga! Nakakaaddict yong bango niya. And then again hinalikan niya ko sa gilid ng ulo ko tsaka nanood na. Napa-ngiti nalang din ako tsaka nanood na rin. Hanggang sa lumipas pa ang mga minuto.
"What type of wedding do you want?" napa-tingin ako sakanya nung nagtanong siya. Ikinasal na sina bella at edward kaya siguro niya natanong.
"Yong simple lang. Kahit kaunti lang yong tao basta nandun ang pamilya ko at lalong-lalo na ang taong mahal ko"
"Saan mo gusto church? Beach?"
"Gusto ko sa simbahan. Bakit ikaw saan mo gusto?"
"Kahit saan basta madaming tao" kumunot ang noo ko sa sagot niya. Madaming tao?
"Bakit naman madaming tao?" tanong ko pero sa halip na sagotin niya ko ay narinig ko ang mahinang mura niya. Kita ko ang mabilis na pag-iwas niya ng tingin. Nanlaki rin ang mga mata ko nung tumahimik ang paligid at tanging tunog lang ng taong naghahalikan ang naririnig ko. Humarap ulit ako sa flatscreen at tama nga ako dahil yong bedscene na nila edward at bella!
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...