Busy ako sa pagbabasa ng libro nung sikoin ako ni jihan. Tinaasan ko siya ng kilay. Itinuro naman niya sa may pintoan. Napatingin ako doon. Wala namang tao. Sinamaan ko siya ng tingin. Linoloko naman ako nito."Kadadaan lang ni jeongin gaga" sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko tsaka agad na tumayo at lumabas. Totoo nga dahil hindi pa ito medyo nakalayo. Wala naman yong teacher namin kaya okay lang kung sundan ko si my labs.
"Jeongin!" tawag ko nung pababa na siya sa hagdanan. Syempre hindi niya na naman ako pinansin. Mabilis ko siyang sinabayan. Iniiwas ko yong paningin ko sa leeg niya kasi yung kiss mark niya agad yong nakita ko. God sarap tanggalan ng labi yong babaeng gumawa niyan!
"Hi labs" naka-ngiting bati ko. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Kung pwede ko lang talaga siyang hawakan sana matagal ko nang ginawa pero kasi baka patayin niya ko kapag ginawa ko yun. My god sobrang kinaiinisan nga ako neto eh pano nalang kapag hinawakan ko siya.
Hanggang sa makababa kami sa ground floor. Wala nang pakalat-kalat na mga studyante kasi time na ng klase. Ewan ko ba dito kung saan na naman galing. Baka nakipag-sex na naman pero impossible kasi kung oo edi sana may kasabay siyang babae ngayon.
"Jeongin--" hindi ko natuloy yong sasabihin ko nung mabilis niya akong itinulak pasandal sa dingding. Arayyyy. Puta ang sakit!
"What the hell bitch" inis na sabi niya. Sobrang lapit parin ng mukha niya sa mukha ko. Nasa magkabilang gilid ko rin ang mga kamay niya. Halos magkasalubong na ang mga kilay niya sa inis. Sobrang talas rin ng paningin niya saakin.
Sabay kaming napatingin sa gilid namin nung may kabababa lang na tao sa hagdan. Oh jio wrong timing ka naman eh.
Nasa ganun parin kaming pwesto ni jeongin. Napatingin siya ulit saakin tsaka ngumisi. Unti-unti niyang inilapit yong mukha niya saakin.
"Stop flirting me....you bitch" seryosong bulong niya tsaka dahan-dahan siyang lumayo. Nginisihan niya ako at ganun din ang ginawa niya kay jio bago tuloyang umalis. Napabuntong hininga nalang ako at umayos na ng tayo.
"Chan lets go" napatingin ako kay jio. Seryoso ang mukha niya.
"I don't have class jio. Just go" sabi ko tsaka naglakad na pasunod ulit kay jeongin. I know balang araw magugustohan niya rin ako. Alam ko yun.
"Chan..." dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni jio na pumigil sakin.
"Jio please" seryosong saad ko tsaka tuloyan na siyang iniwan. Nasaan na ba si my labs? Ugh ang bilis niyang nawala! Iling ulit ko pang inilibot ang paningin ko kung saan ko siya huling nakita pero wala na talaga siya.
Dismayado nalang akong bumalik sa room namin. Hindi ko na rin ulit nakita pa si jio sa baba. Isinuot ko nalang yong headset ko tsaka nag-drawing nalang ng kung ano-ano. Kinausap pa ako ni jihan at tinatanong kong anong nangyari pero hindi ko nalang siya pinansin.
Napatitig ako sa drawing ko nung matapos ko yun. Kailan mo kaya ako mapapansin? Bkit ba ayaw na ayaw mo sakin? Palagi mo nalang akong sinasaktan. Napatingala nalang ako para pigilan ang pagpatak ng luha ko tsaka ko isinara yong drawing book ko na halos mukha na ni jeongin ang laman nun. Hindi ako nagsasawa na idrawing siya. Hindi ko alam kong bakit patuloy parin akong nagpapakatanga sakanya. Wala rin akong pakialam kong ilang beses na siyang nakipag-sex sa iba. Hindi ako titigil hanggat hindi siya nagiging akin. Period.
Nung alas kwatro na ay tsaka lang kami lumabas ni jihan sa classroom namin.
"Mall?" naka-ngiting tanong niya. Napangiti rin ako tsaka mabilis na tumango-tango. Every friday kasi pumupunta kami ni jihan sa mall para bumili ng kung ano-ano. Stress reliever narin sa nag-daang mga araw sa skwelahan namin.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomansaCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...