Chapter 29

16 3 0
                                    


Ilang ulit akong napabuga ng hininga habang hinihintay kong matawag ako. Hanggang ngayon nagpaikot-ikot parin sa isipan ko yong tingin na yun ni jio. Pailalim. Fuck ilang taon kong hindi nakita yun! At ngayong nakita ko na ay fudge! Super fudge talaga parang giniba niya ang pagkatao ko! Parang ginulo niya ang mga internal organs ko sa kani-kanila nilang pwesto! Shit.

Napatingin ako sa harapan which is kong saan nakaupo si jio. Nakayuko siya habang may kinakalikot sa cellphone niya at may suot na earphones. What is he doing here if he didn't even bother to watch those students in front of him who's having a pictorial now! Tumingin ako sa paligid, medyo madaming taong nanonood.

Nung tinawag na ako ay mabilis akong pumunta sa stage. May mga props doon na mga upuan at mga libro.

"Go stacey!" ngumiti nalang ako sa president namin sa club tsaka nagthumbs up.

"Relax lang okay?" sabi nung photographer. Tumango ako. Hindi naman ako kinakabahan I mean kinakabahan naman pero kaunti lang.

May lumapit sakin para siya ang magturo kong ano bang pose ang kailangan kong gawin o kung saan ba ako pupwesto.

"Dito upo ka dito tsaka kunwari nagsusulat ka, okay?"

"Ready? In 3, 2, 1 perfect"

Lumapit ulit sakin yong photographer tsaka pinasandal sa upuan. Sinabi rin nila na diretso ang paningin ko sa lens ng camera tsaka mag-smile kaya yun naman ang ginawa ko. Hanggang sa isang shot nalang.

Ibinigay nila sakin yong dalawang libro. May ipinasuot din silang nerdy glasses. Sumandal ako sa isang pader habang kayakap yong librong hawak ko.

"What a great angle. Stay still stacey"

"Wait stacey tingin ka dito" napatingin naman ako sa baba kung nasaan yong photographer.

"Okay ba keyren?"

"Nope another direction stacey! Yong glasses nahuhulog" inayos ko naman yong glasses na suot ko tsaka tumingin ulit sa harapan pero saktong nagtama ang mga mata namin ni jio.

"Thats it stay still stacey!" gusto kong umiwas ng tingin shit. Even jio stares at me directly. Fudge bakit ba siya nakatingin?! Hindi naman siya dati nanonood eh? Bakit ba sakto pa sakanya? Ugh. Para kaming naglalabanan ng tingin at ang unang umiwas ay ang siyang magiging talo.

"Smile stacey!" napakagat ako sa labi ko at muntik pang mapapikit sa inis.

"Stacey I said smile, not seduce our future doctor jio" nanlaki ang mga mata ko tsaka mabilis na pinakawalan ang labi ko. Nagtawanan ang mga nasa paligid.

"Smile stacey. You looks pretty when you smile" sabi pa nung photographer. Ngumiti nalang ako pero feeling ko pilit yun at tama nga ako.

"Stacey more brightly please!"

Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti nalang talaga ng tunay. I didn't imagine smiling this wildly in front of jio. Its like walang mali samin. Parang ayos lang kami pero hindi talaga.

Kasabay ng pag-ngiti ko ay ang pag-iba ng expression ng mga mata niya. Hindi ko alam kong tama ba ako sa nakita ko o guni-guni ko lang. It was full of emotion. Sad emotion. Parang napaso siya sa mga ngiti ko. Sakit ang nakita ko bago siya nag-iwas ng tingin at mabilis na umalis sa set. Fuck.

"Finally! Good job stacey!" saka lang nagising ang diwa ko nung sumigaw ang photographer tsaka magpalakpakan ang mga tao sa paligid.

Tumingin pa ako kung nasaan si jio kanina pero hindi ko na siya nakita pa. Bumalik nalang ako sa pwesto namin at tinawag na rin yong kasunod kong mapipictioran.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon