Chapter 8

23 4 0
                                    

Warning: SPG




"Jio!" gulat na gulat na pagpapatigil ko sakanya. Napatingin siya sakin. Umalis na din si jes at bago pa siya makalagpas sakin ay mabilis ko siyang sinabunotan bago pinakawalan. Tinawanan niya lang ako tsaka nag-goodluck pa!

Mabilis akong lumapit sakanya tsaka aagawin na sana yong papel peri mabilis niya itong iniiwas.

"Jio akin na!" singhal ko pa pero itinaas niya yong kamay niya tsaka niya iwinagayway yong papel sa taas. Kahit na anong abot ko ay hindi ko maabot kasi ang tangkad niya!

"Jio kasi! Isa!"

"What's this, chan?" tanong nito tsaka niya ako tinitigan ng pailalim. Gago talaga. Nakataas parin yong kamay niya. Pinagtitinginan na rin kami ng mga studyante at talagang tuwang-tuwa pa sila sa nakikita nila!

"Wala! Akin na yan!" sigaw ko pa. Nanlaki ang mga mata ko nung tumingala siya tsaka titignan na sana yong nakasulat. Agad kong tinakpan ang mata niya. Tinanggal naman niya yong kamay ko gamit yong isang kamay niya. Ayan na naman yong pailalim na titig niya! Nakakunot din ang noo niya.

"Bakit hindi ka nakikinig sa teacher niyo?" tanong nito. Oh god sarap niyang sapakin!

"Ohh come on jio! Akin na yan!"

"Just answer my question first chan" seryosong sabi nito. Dahan-dahan ko siyang yinakap. Fuck ang bango niya talaga. Natigilan siya. Narinig ko rin ang impit na tili ng nga studyante na pasimpleng nanonood saamin.

"Jio please akin na yan" bulong ko pa.

"Just a piece of advice guys, huwag dito PDA kayo eh. Get a room and have fun" agad akong napahiwalay kay jio tsaka tinignan si jihan na naka-ngisi na ngayon. Hawak na rin niya yong papel na hawak kanina ni jio.

"Jihan give it back to me" singhal naman ni jio. Syempre dahil kaibigan ko si jihan alam kong hindi na niya yun ibabalik. Napatawa si jihan tsaka binasa yong papel.

"Do you want me to read this for you?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni jihan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nase-seduce daw siya sa lips mo-"

"Wahhhh bwisit ka jihan!" sigaw ko tsaka mabilis kong inagaw sakanya yong papel na binabasa niya at inis yon na pinagpupunit. Mabilis ko rin silang tinalikuran at tumakbo palayo sakanila. Ughh nakakainis!

Dumiretso ako sa rooftop para magpahangin. Wala rin akong pakealam kahit na doon gumagawa si my labs ng milagro noon. Pagkapasok ko sa rooftop ay inilock ko yong pintoan papasok doon. At first akala ko walang tao pero nagkamali ako dahil nakita ko si jeongin na nakaupo sa dulo habang pinapanood ako. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko talaga ineexpect na nandito siya ngayon kasi akala ko absent siya. Inayos ko yong sarili ko tsaka nginitian siya. Lumapit rin ako sa pwesto niya.

Kung si jio ay pailalim ang tingin niya sakin, si jeongin my labs naman ay inis at galit ang makikita mo doon sa mga mata niya.

"What are you doing here bitch?" kalmadong tanong niya. Umupo ako sa harapan niya. Medyo nahirapan pa ako dahil palda ang sout ko eh wala namang bench o kahit na ano man dito sa harapan niya kaya sa semento nalang ako umupo. Bumaba ang paningin niya tsaka niya ako tinaasan ng kilay.

"Akala ko absent ka?" tanong ko. Napakasama talaga ng tingin niya sakin.

"Ohh bitch just go away. I told you I don't fucking like you" inis na sabi niya. Nginitian ko lang siya. Binabalewala yong sinabi niya.

"Why? Ano bang ginawa ko sayo bakit ayaw na ayaw mo sakin?" imbes ay tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin tsaka siya inis na tumayo. Mabilis din akong tumayo at sinundan siya. Bago pa siya makalabas ay pinigilan ko na ang kamay niya. Inis niya akong hinarap at gulat ko din siyang nabitawan. Hindi ko namalayan na hinawakan ko yong kamay niya para pigilan siya! For sure sobrang pula ko na ngayon. God jeongin!

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon