Nagkulong lang kami sa kwarto namin hanggang sa gumabi na. Mabuti nalang at may pinagkaabalahan kaming maghapon. Yun ay ang manood ng movies pero bwisit lang kasi hindi na namin maeenjoy itong fieldtrip na to. Nakaka-inggit lang kasi pumunta sila sa isang 3d museum tsaka madami pa silang pinuntahan na iba. Hindi nalang namin isineen yong mga ibang pics na sinend nila sa gc dahil mas lalo lang kaming maiinggit."Stacey ano ba talaga kayo ni jio?" napatingin ako kay jeny.
"Wala" sagot ko. Napunta lahat saakin ang atensyon nila.
"Pareho kami ng pinapasokan 3yrs ago"
"Yun lang? Pero bakit parang may something?"
"Jeny nakakalimutan mo na ba na si lily yong girlfriend ni jio? Tsaka parang may something lang siguro kasi you know naman na si jio sweet sa lahat tsaka protective kaya nga ang swerte ni lily sakanya eh" sa isang iglap ay nagbago ang mood ko. Kumirot ang puso ko. Pilit akong ngumiti tsaka tumango.
"Oo sweet lang talaga siya" sagot ko. Taliwas sa nararamdaman ko. So assuming lang talaga ako? Narinig mo naman na stacey na sweet lang talaga siya tsaka protective, masyado lang akong assuming para isipin na gusto parin niya ko. Na mahal niya parin ako.
Bakit ganun? Palagi kong sinasabi na dapat masaya dapat ako pero bakit ganito yong nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako? Bakit mas lalo akong nasasaktan kapag pinipilit ko yong sarili ko na maging masaya nalang para sakanya? Nakakagago na.
Ano ba stacey? Gusto mo na rin ba siya? Mahal mo na rin ba siya? Fuck kong oo bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na may boyfriend ka na at may iba na rin siya? Bakit?! Hindi mo dapat siya magustohan! Hindi mo siya gusto! Hindi mo siya mahal! Nagugulohan ka lang! Naaawa ka lang!
"Lalabas lang ako" sabi ko tsaka dire-diretso nang lumabas.
Hinayaan ko lang na maglakad ang mga paa ko. Wala na akong pakealam kahit saan ako mapunta. Hindi naman nila malalaman kong nasaan ako.
Madilim na dito sa labas. Hindi ko alam kong ilang minuto akong naglakad hanggang sa kusa akong napatigil nung biglang kumidlat tsaka kumulog. Napakuyom ang mga kamay ko. Pabigat ng pabigat ang bawat paghakbang ko. May nakita akong bus stop kaya mabilis akong sumilong doon. Sakto naman na bumuhos ang ulan. Umupo ako tsaka yinakap ang sarili ko. Napatitig ako sa mga sasakyan na dumadaan sa harapan ko. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang matapos lahat.
Kusang nagsisituloan ang mga luha ko nung kumulog ulit tsaka kumidlat. Sunod-sunod. Naninikip ang dibdib ko. Sinubukan kong tumayo at tumakbo pabalik sa hotel pero hindi ko kaya. Masyado akong nanghihina. Wala akong lakas para gawin yun.
Kahit na sobra na ang pagkakakagat ko sa labi ko ay parang hindi ko ito nararamdaman. Mahigpit rin ang pagkakakuyom ng kamao ko. Napatitig ako sa daan. Umaasang darating ulit si jio pero lumipas ang ilang minuto ay walang jio na dumating.
Napayuko ako tsaka umiyak nalang ng umiyak. Kahit na madaming sasakyan na dumadaan sa harapan ko ay walang ni isa ang tumigil para kausapin ako o tulongan ako. Kahit na nasa bus stop rin ako ay walang ni isa na bus pa ang tumigil dito. Parang nandito ako pero kahit na isang tao manlang ay hindi nila ako nakikita. Its like Im an invisible to them.
Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko nung makita ko ang isang pares ng sapatos sa harapan ko. Kahit na malakas ang ulan ay rinig na rinig ko ang paghingal niya at ang pagod at pag-aalala sa mukha niya. Mabilis akong tumayo at yinakap siya. I didn't know why I did that but with that I did gumaan ang loob ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin pabalik. Nararamdaman ko rin ang hininga niyang tumatama sa leeg ko. Basang-basa rin siya at may tumutulo pang tubig galing sa buhok niya.
"Bakit ka lumabas?! Fuck stacey pinag-alala mo ko!" galit na sabi nito. Napahawak ako sa laylayan ng damit niya.
"Mahal mo parin ba ako?" imbes ay tanong ko. Hinarap niya ako.
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...