"Anak mag-iingat ka dun ha. Jio ikaw rin. Bantayan mo si stacey lalo nat takot yan kapag umuulan at sa mga sasakyan""Opo mommy ako na po bahala sakanya" sagot ni jio tsaka kinuha sakin yong mga gamit ko at lumapit na sa bus para ilagay ang mga yun.
"Anak ha"
"Ma don't worry bibisitahin niyo naman ako dun eh tsaka huwag ka nang umiyak" sabi ko kay mama kasi nangingilid na naman ang mga luha niya. Yinakap ako ni mama at papa pagkatapos ay nilapitan naman ako ni rein na hindi na mapigilang umiyak ngayon.
"Staceyyy" tanging sambit niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Reinnn mamimiss kita" hinarap niya ako. Pinunasan ko ang mga luha niya tsaka ko siya nginitian.
"Balik ka agad ha?" Tumango ako.
"Hmm payakap nga ulit, ngayon palang namimiss na kita" bulong niya. "Sorry ulit stacey Im really really sorry" tumango-tango nalang ako bilang pagsang-ayon.
Maya-maya pa ay bumalik si jio sa harap nila mama at niyakap niya sila. "Mom mag-iingat kayo dito ha? Dad kayo rin"
"Rein mag-iingat ka rin"
Pagkatapos naming magpaalam sa isa't-isa ay sumakay na kami ni jio sa bus kasi paalis na rin ito. Sa tabi ng bintana ako umupo habang si jio naman ang katabi ko.
"Chan where's your jacket?" nanlaki ang mga mata ko nung maalala kong inilapag ko yun kanina sa lamesa sa bahay kasi nag cr muna ako but nakalimutan kong kuhanin nung lumabas na ako!
"Tsk paano nalang kung wala ako dito? Edi nagka-sipon ka na" sabi niya tsala tumayo at kinuha yong bag niya sa itaas namin. Napa-ngiti ako.
Nakatutok kasi saamin yong aircon, sobrang lamig. Sira kasi kaya hindi namin mapatay o maiba ang pagkakatutok nun. Puno din naman itong bus kaya wala kaming malilipatan.
"Where did you get this jio? I also have jacket like this" tumingin ako sakanya at mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin.
"Jio-"
"Your lola" sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"What? Paano? Kilala ka niya?" natawa siya pero kita ko ang pamumula niya. Isinuot niya saakin yong jacket niya pagkatapos ay iniakbay niya saakin yong kamay niya at ipinatong ang noo balikat ko na tila ba itinatago niya ang reaction niya.
"Basta" he whispered.
"Sabihin mo na"
"Tsaka na"
"Isa"
"Okay fine chan. You're really unbelievable tsk"
"I know so paano nga?"
"Long time ago there's an event..."
"Anong event?" naramdaman ko ang pagbuga niya ng hangin. Hinawakan niya rin yong isang kamay ko tsaka pinisil-pisil yun.
"I don't know either" he answered tsaka siya napatawa ng kaunti. "I invited all of your family members then..."
"Arayyy" halos mapatayo ako sa gulat nung makagat ni jio ang balikat ko. Aksidente niya yong nagagawa kapag sobra na ang hiya na nararamdaman niya. Actually hindi naman yun masyadong masakit sadyang nagulat lang ako.
"Sorry" saad niya tsaka siya tumawa at hinaplos yong kinagat niya. Mas lalo niya akong hinapit. "Do you really want to know chan?" tumango ako bilang pagsang-ayon.
"I asked for their permission that I'll court you" pahina ng pahina ang kanyang boses.
"What?" nagawa niya yun? Seriously?
BINABASA MO ANG
Memories Of Us (Completed)
RomanceCompleted🥀 "Bakit hindi mo siya ipaglaban?" I asked. Kahit na maingay yong paligid ay alam kong naririnig niya ako. "Paano? She forgets about me. She's happy with someone now, natupad na yong kaligayahang hiling ko sakanya. I cant ruin her happines...