Chapter 50

19 3 0
                                    


Pabagsak akong umupo sa kama ko pagkadating ko sa condo. Nakakapagod itong araw na to. Ilang ulit akong napabuga ng hangin. And here I am again thinking about him. Kumikirot ang puso ko. Sobrang tagal na mula nung umalis siya. Matagal na rin nung huli kong narinig ang kanyang boses.

Kinuha ko yong box na nakalahati ko nang basahin yong laman na mga sulat niya. Binigay niya saakin to nung umalis siya. Sabi niya bumunot ako ng isa everyday at yun ang basahin ko. He knows na dadating yong araw na to na hindi na niya ako makakausap kaya siguro niya ginawa to. He made this para ipaalala saakin na hindi ako nag-iisa. Na kahit nasa malayo siya saakin ay gusto niyang isipin kong nasa tabi niya lang ako at sinusuportahan siya.

'Hey baby ^-^
                  Whats up? Ilang araw na mula nung umalis ako? Maybe araw palang, o buwan, o baka naman taon na? You know what? Asked me why first ;) So dahil mapilit ka eto na yong sasabihin ko. Im so inlove with you Stacey Channel. I cant wait to marry you baby, swear. Chan kiligin ka please? Kinikilig ako habang sinusulat ko to kaya huwag mo kong pagtawanan okay? Fine baby ang korni korni ko na. I just missed you.

                 Remember the first time we've met? That time nakuha mo na agad ang atensyon ko. Paano ba naman kasi magpapakilala ka na nga lang sakin, kulang pa yong pangalan na binanggit mo. Stacey Channel? Fuck baby nasan yong Yyianas dun?

Napatawa nalang ako pagkatapos kong basahin yong sulat niya. Oo nagpakilala nga ako sakanya nun pagkatapos naming maglinis pero ang gago hindi kaya ako nun pinansin then the next day yun na naging manliligaw ko na siya. Ano yun natorpe then nagkalakas ng loob?

Inilagay ko na sa ilalim ng kama ko ang box tsaka humiga na. Kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay ang pag-alala ko sa nakaraan kung saan kasama ko pa si jio. Nung time na masaya pa kaming magkasama. Nung time na nahahawakan ko pa siya at naririnig ko pa ang kanyang boses.

Ako kaya naiisip niya kaya ako ngayon? Anong ginagawa mo ngayon jio? Kamusta ka na? Ako parin ba? Mahal mo parin ba ako? Kasi ang hirap na nang ganito. Paano kong umaasa nalang pala ako? Paano kong may iba ka na? Paano na ako? Kahit isang sign lang jio please. Kahit isa lang.

Pero lumipas pa ang ilang araw na walang kahit na anong sign akong nakita. Wala siyang chat. Walang tawag. Wala lahat. Mas lalo akong naiyak nung makitang nakadeactivate na yong account niya. Lahat ng social media accounts niya nawala. Shit.

Para akong binagsakan ng langit at lupa at dinurog ng pinong-pino. After almost 7 years na paghihintay ko sakanya ganito lang yong mapapala ko? Fuck. Mabilis kong pinalis ang mga luha ko tsaka napabuga ng hangin at pinanood ang unti-unting pagkahulog ng mga dahon galing sa mga sanga ng puno na nasa harapan ko. Nakaupo kasi ako ngayon dito sa labas ng hospital at pinapalipas ang oras. May nakaupo rin na isang doctor sa bench sa ibaba ng puno.

Napatingin ako sa babaeng umupo sa tabi ko. Matanda na siya. Halos lahat na rin ng buhok niya ay naging puti na. Nakasuot rin siya ng pang-pasyente. Nakangiti rin siya habang nakatingin sa harap pero may lungkot sa mga ngiti niyang yun.

"We used to love each other before. Ni hindi na nga kami mapaghiwalay nun. Then pinanganak ko ang anak namin. That's him" saad niya tsaka napatitig sa doctor na nakaupo sa harapan namin. Napatingin ulit ako kay lola na may tumulo na ngayong luha galing sa mga mata niya. "Pero hindi niya alam na ako ang nanay niya"

"Bakit naman po?"

"Ipinaubaya ko siya sa daddy niya at hindi ako nagsisi sa ginawa kong yun kasi hindi siya magiging successful kapag hindi ko yun ginawa"

"Bakit po? Anong nangyari sainyo? I mean sainyo ng daddy niya" hindi ko alam kong may karapatan ba akong tanongin siya nito.

"H-he fell out love" natahimik ako. I remembered the day when jio said the same thing. Yan din yong dahilan ng paghihiwalay nila ng ex niya noon.

Memories Of Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon