Amelia's short story

1.5K 11 0
                                    

Ako si Amelia Lunar isang istudyante ng FEU, oo tama ang nabasa mo istudyante ako ng FEU. Galing ako sa isang simpleng pamilya, hindi rin mayaman ang mga magulang ko. Sapat lang sa amin na makakain ng tatlong beses sa loob ng isang araw. Ang magulang ko ay si mama Yna. Isa syang dating katulong ng sikat na artista na si Dawn Zulueta. Ngunit nung nalaman nya na nagdadalang tao sya sa akin ay nagpaalam ang mama ko na hindi na muna sya magtatrabaho. Nakapag-aral ako sa FEU di dahil sa pera kundi dahil sa ako'y isang athlete at bukod dun ay mataas ang aking mga grado, talagang pinaghuhusayan ko sa lahat ng activities namin dito sa aming paaralan. Isa akong varsity player ng volleyball. Marami sa mga kaibigan ko ay tinatanong kung nasaan ang ama ko, well ako din naman hindi ko nakilala ang papa ko. Pero marami din ang nagsasabing ampon siguro ako kasi hindi ko man lang kahawig ang aking ina. Karamihan ay sinasabi na kamuka ko daw si Dawn Zulueta. Kaya kapag may nagsasabi nun di ko mapigilang matuwa kasi fan na fan ako ng Chardawn. BTW nakilala ko ang mga kaibigan ko dito dahil sa hindi inaasahang pagiging fan din nila ng Chardawn...

I'm finally homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon