Diba sir nabangit ko na naka confine yung best friend ko dyan? Pwede po ba na kapag ok na ang pakiramdam ni Emilio pwede nyo po bang dalawin yung kaibigan ko? Isa din kasi syang fan ng Chardawn at ginawa nya ang lahat para lang maka-punta sa meet and greet nyo kahit na sinaktan sya ng mommy nya pag-uwi nya. Kahit na may bumaon na palang bubog sa paa nya kahapon. Pinilit nyang tanggalin mag-isa yun para lang makapunta. Sunod-sunod nitong paliwanag habang naglalakad sa hall way ng ospital.
Ohh sure!
"Nang makarating na sila sa sunod-sunod na private room ay agad nang nagpaalam si Sheyn kay Richard"
Sir una na po ko. Dito lang po kasi room ng kaibigan ko. Maikling pag-papaalam nito habang papasok sa kwarto at tinitingnan si Richard
Sige Sheyn dito lang naman kami. Sabay na turo ni Richard sa katabing kwarto ng kaibigan ni Sheyn.
"Kinabukasan"
"Nang magising si Amelia ay agad na nilapitan ni Sheyn si Amelia"
Gurl? Ok ka na ba? Kamusta ka na? Nakangiti nitong tanong kay Amelia.
Ahmm! Ano ginagawa ko dito? Ok na ko. Uwi mo na ko. Salamat sa pag-aalaga. Paliwanag nito habang dahn-dahang umuupo.
"Nagulat ang tatlo ng biglang magbukas ang pinto, laking gulat nila ng pumasok si Yna na may galit na galit na muka"
Ma?
Tumayo ka dyan! Wag ka maginarte! Agad nitong nilapitan si Amelia at hinatak ang nakatusok na dextrose sa kamay ng wala man lang pakelam kung nasaktan ba ang anak.
Tita hindi pa po maayos ang lagay ni Amelia. Mahinahon nitong paliwanag na pinipigilang ilabas ni Yna ang kaibigan.
Sheyn ok lang ako kaya ko na.
Lia! Hinde-hinde ka okay! Nagulat nalang sya ng makakita ng maliit na luhang bumagsak sa pisnge ng kaibigan.
"Sa tagal nilang magkaibigan hindi nya niminsang nakita ang kaibigan na lumuha. Sa pagkaka-kilala ni Sheyn kay Amelia ay isa itong matatag na tao. Na umiiyak lang kapag sobra nang nasasaktan. Wala nang nagawa si Sheyn ng hatakin ito ni Yna palabas."
Lia! Huling sigaw nya hanggang sa bumagsak ang kanyang luha, dahil iniisip ang mangyayari sa kanyang kaibigan.
"Lingid sa kanilang kaalaman ay nagkataong palabas si Richard sa kwarto ni Lio"
Sh-Sheyn? Are you okay? Putol-putol nitong tanong.
Ah, sir okay lang po ko napuwing lang. agad namang pinunasan ni Sheyn ang luhang pumatak.
By the way, asan yung sinasabi mong kaibigan? Okay na kasi si Emilio, and as I've said yesterday ay tutuparin ko ang request mo na dalawin namin ang kaibigan mo. Nakangiti nitong sabi.
Ahhmm actually sir. Okay na sya. Hindi na nya kayo nahintay kasi gusto na daw nyang umuwe.
Ahh okay, by the way Sheyn see you next time nalang. Nasa labas na kasi sila Emilio. Dapat kasi bukas pa namin dadalawin ang kaibigan mo kaso, nakita kita kaya baka kako pwede na, kaso sabi mo nga wala na. Nakangiti nitong sabi habang naglalakad sa lobby.
Sige sir pauwi na rin naman ako.