Chapter 19

354 6 0
                                        

Bakit bumili ka pa nang alak? Hindi ba sa bar tayo? Diba may alak naman sa bar? Sunod-sunod na tanong ni Amelia.

Hindi Amelia, ako bahala. Sisiguraduhin kong magiging masaya ka ngayong gabi. Tsaka wag mo nang isipin yung mga gagastusin ko, it's all my treat. Gift na rin dahil nanalo ka sa prime. Ipapakita ko sayo na kahit hindi proud sayo si tita Yna, ako sobrang proud. Kung pwede nga lang na ako ang umakyat sa stage para sayo gagawin ko. Nakangiti nitong paliwanag.

Anton thank you for these, I mean thank you for all of these. Na iniwan mo ang parents mo para lang puntahan ako. Patulo na ang luha ni Amelia. Tsaka ito ngumiti.

No Amelia, it's nothing. Tsaka part parin to ng panliligaw ko. Natatawang sabi ni Anton kay Amelia.

"Natawa nalang din si Amelia sa sinabi ni Anton."

Matulog ka muna, mahaba pa ang byahe natin gigisingin nalang kita kapag nandun na tayo. Nakangiti nitong sabi at dahan-dahang ihiniga ang sandalan ni Amelia.

"Tinanguan nalang ni Amelia si Anton tsaka ito unti-unting pumikit."

"Makalipas ang mahabang byahe ay dumating na rin sila sa kanilang pupuntahan. Dahan-dahang tinapik ni Anton si Amelia para gisingin."

Amelia, Amelia, andito na tayo. Mahinang sabi ni Anton habang mahinang tinatapik ang balikat ni Amelia.

"Unti-unting idinilat ni Amelia ang kanyang mata. Bumungad sa kanya ang nakangiting si Anton. Kaya agad itong tumayo."

Sorry Anton napahaba ata ang tulog ko. Tsaka sorry kung pinaghintay pa kita ng matagal para lang magising ako. Kanina pa ba tayo dito?

Hinde okay lang, actually kadadating lang naman natin dito. Tsaka okay lang kasi may inayos pa naman ako sa likod. Nakangiti nitong sabi.

"Lingid sa kaalaman ni Amelia ay nilatagan ni Anton ang likod ng kotse para may maupuan sila. Nilagyan din nya ito ng mga unan para kung may gustong humiga dito. Nilagyan din nya ito ng mga fairy lights. Ang sasakyan kasi na dala ni Anton ay D-Max kaya pwede umupo sa likod habang tinitingnan ang mga bitwin."

So ano, tutunganga nalang ba tayo dito. Natatawang sabi ni Amelia na naging dahilan ng pagtawa ni Anton.

"Agad na kinuha ni Anton ang mga bote ng gin at mga panimpla, dahil balak sana nyang ipainom kay Amelia ang shembot na tinuro sa kanya ng kanyang ama. Tsaka ito nagmadaling bumaba para pagbukasan si Amelia ng pinto tsaka hinawakan ang kamay ni Amelia at tinulungang bumaba."

Anton, bat nandito tayo?.. naluluhang sabi ni Amelia habang nakangiti.

Tulad ng Sabi mo dati nung bata pa tayo, isa ito sa mga lugar na pinapangarap  mong mapuntahan kapag nakagraduate ka na. So andito tayo para matupad mo na ang isa sa mga pinapangarap mo. Nakangiti nitong sabi.

"Alam kasi ni Anton na pangarap makapunta ni Amia dito sa tagaytay. Meron kasing isang spot dito na kitang-kita mo ang buong view, at di maikakailang maganda ito."

Anton naman... unti-unti nang lumuha si Amelia sabay lapit kay Anton tsaka nya ito niyakap habang nakaupo na sa likod ng sasakyan.

Shhh, tama na. Okay na yan. Alam mo namang kahit ano basta magiging masaya ka gagawin ko diba? Nakangiti nitong sabi at niyakap din si Amelia.

Sige na Anton gusto ko nang uminom. Natatawa nitong sabi at tinabihan si Anton.

I'm finally homeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon