Hija, ilang taon ka na ba? Tanong saakin ni papa.
Turning 18 po, this coming march 3. (Pagamit na natin ang birthday ko, na kinabukasan pala ay ang totoong birthday ni mama Dawn😁)
Oh, that's nice. Almost 3 weeks nalang. Any plans? Nakangiting tanong ni mama sakin.
Wala po mama, sanay naman po akong pinalalampas ang kaarawan ko ng walang ginagawa. Nakangiti kong sabi.
Wala? Kahit man lang wish? Or request or kahit ano na gusto mo? Sunod-sunod kong tanong.
Well ma, gusto ko lang mahanap ang tunay kong mga magulang yun lang. nakangiti kong sabi.
Ipagdasal nalang natin na mahanap sila ni Jacob bago ka mag debut. Nakangiting sabi ni papa sa akin.
Pero Amelia, bakit di mo subukang mag-post ng baby pix mo sa fan page, patulong na rin tayo sa penguins na magshare, malay mo diba? Nakangiting suhestyon ni Sheyn.
Oo nga hija, baka makatulong iyon sayo. Nakangiti ding sabi ni mama.
Sige ma, mamaya po try kong mag post. Nakangiti kong sabi.
"Nang makabalik kami sa hotel ay agad na kaming nahiga ni Anton, ako sa kama sya naman sa mahabang sofa. Pero hindi ko alam kasi hindi pa naman ako inaantok baka gusto lang muna talagang mahiga ng katawan ko. Habang nag-mumuni-muni ay naisipan ko munang bumaba ng lobby, nakita ko don si Sheyn na nakaupo lang sa isang maliit na sofa at mukang nagpa-paantok din."
Sheyn? Bakit gising ka pa? Di ka makatulog? Tanong ko habang papalapit sa kanya. Tsaka ako umupo sa tabi nya.
Well, actually nakatulog na ko. Pero biglang tumawag si mommy at nangangamusta kaya hindi na ko makatulog ulit. Si Anton nga pala? Tanong nito habang nakatingala lang sa ceiling.
Ayon tulog na. Pagod na siguro. Buntong-hininga kong sabi.
Amelia, sigurado ka bang sa ibang bansa mag-aaral? Malungkot nitong tanong.
Sheyn alam mo namang hindi ko kayang pag-aralin ang sarili ko, malaki ang gagastusin ko kapag dito ko nag-aral ng med. pero kung sa ibang bansa wala kong ibang iisipin kundi ang pag-aaral, and besides sayang yung hirap ko ng 10 months para makuha yung prime na yun. (Yung prime para sa di nakakaaalam, oo kinuha ko sya sa kadenang ginto hehehe. Medyo iniba ko lang ng konti ang benefits ng prime. Yung benefits ng prime ay mapadala ka sa ibang bansa nang walang kahit pisong nilalabas na pera. Sagot nila lahat.)
__________________________
Guys yung chapter 38 nabura ko kaya medyo na huli sya. Nakalagay naman kung anong chapter. Sorry guys. Comments!!