Pa, I'm very sorry. Nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya na sabihin sa kanya yun. Sabi nito habang niyayakap si Richard.
No wala kang kasalanan. Pag-pasensyahan nyo na si Kale. Ganun lang talaga yung bata na yun.
May point din naman kasi sya Richard, sya dapat ang focus mo kaso kami ang inu-una mo. Malungkot nitong sabi.
Hindi Dawn, gusto ko na maging masaya kayo. Okay lang yun. Agad akong nilapitan ni Richard at niyakap.
Hindi mo man lang ba sya susundan? Ok lang naman kami ni Lio, ayusin mo muna sya. Nakangiti nitong sabi.
Hindi na muna siguro, kasi lalo ko syang binibaby lalo sya nagiging ganon. Bibigyan ko muna sya ng space. Napapagod din naman ako.
"Nang mapag-pasyahan nilang bumalik na ng hotel ay agad nilang tiningnan ang kwarto ni Kale, ngunit tanging iilang gamit nalang ni Emilio ang naiwan dito. Nang may biglang mag text kay Dawn."
-mang Joey's text-
Ma'am, yung gamit nyo po nasa lobby dun po kasi pinaiwan nung guard. Yung kay ma'am Kale naman po kinuha na nya, tapos nagpahatid po sya sakin sa airport. Pauwi palang po ako ng bahay.
Chard, nagtext si mang Joey. Sabi ko kay Richard habang pinakikita ang text.
Hayaan mo na siya, pinili nya yan. Tsaka hindi na sya batanasa tamang edad na sya, para mag desisyon ng nararapat sa kanya.
Pero Chard----di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang mag-salita si Richard.
Dawn andito tayo para magrax, mamahinga, hindi para magpaka-stress. Wag mo nang alalahanin si Kale. Ok lang yun. Wala nang pero-pero. Nakangiti nitong sabi sakin, tsaka ko sya tinanguan.
So pa, I guess mauna na ko? Lipat na ko sa kabila. Baka nakakaistorbo na ko masyado. Tsaka baka may gagawin pa kayong di ko dapat makita. Natatawang sabi ni Lio na palabas na nang pinto.
Lio!!! Sigaw ko na syang ikinapasok ulit nya.
Ma? I'm just saying--- pabitin nyang sabi sabay titig sa ama. Na ikinatawa ni Richard.
Sige na Lio magpahinga ka na. Ako na bahala dito. Tumatawang sabi ni Richard.
Pa, galingan mo hah! Tumatawang sabi ni Emilio.
"Nang pagka-labas ni Lio ay agad kong hinrap si Richard ng naka pamewang. Na nakaupo ngayun sa maliit na sofa."
At anong pinag-usapan nyo ni Emilio hah?! Nakapamewang kong tanong. Tsaka sya tumayo at binigyan ako ng isang nakakalusaw na tingin.
Gusto mo ba talagang malaman Ms. Emilia? Natatawa nyang sabi sakin na ikinairita ko dahil ayokong may tumatawag sakin ng Emilia.
![](https://img.wattpad.com/cover/184893565-288-k669590.jpg)